BANDERA naging daan para matupad ang wish ng estudyante na gustong maging scriptwriter… salamat kay Direk Benedict Mique
NAKAKATUWANG malaman na naging daan pala ang isang artikulong isinulat natin dito sa BANDERA para matupad ang hiling ng isang taong nangangarap maging scriptwriter.
In fairness, napaluha talaga kami nang mabasa ang post ni Justin John Delima sa Facebook kung saan naka-tag ang official page ng BANDERA tungkol sa katuparan ng munti niyang pangarap.
Isa kasi siya sa limang masuswerte at deserving na napili ng Kapamilya director na si Benedict Mique na nabigyan ng libreng laptop. Isa sa mga adbokasiya ng filmmaker at producer ang makatulong sa mga kabataang nangangarap maging manunulat sa telebisyon at pelikula.
Si Justin, 22, ay fourth year Theater Arts student, major in Directing and Dramaturgy, sa University of the Philippines. Ang tatay niya ay isang security guard habang mananahi naman ang kanyang nanay.
Narito ang kabuuang FB post ni Justin: “MARAMING SALAMAT PO SA LAPTOP, DIREK Benedict Mique. Ang bait ng Diyos!
“Noong nakaraang taon (November 14, 2023) nakita ko ang online article ng BANDERA na kung saan si Direk Benedict Mique na director at writer ng ABS-CBN (Darna, Cinemalaya: ML, MMK, at marami pang palabas) ay magbibigay raw ng laptop para sa mga gustong magsulat ng iskrip.
“Nagpadala ako ng message kay Direk Benedict at hindi ko aakalain na mapipili ako.
“Nagkita kami ulit ni Sir Ricky Lee (National Artist for Film and Broadcast). Maraming salamat po, Sir Ricky sa mga akdang binigay po niyo sa akin.
“Excited na po ako sa mangyayaring kolaborasyon sa mga darating na proyekto,” pahayag ng estudyante.
Pagpapatuloy pa niya, “Para kay Direk Benedict Mique,
“Wala po kayong katulad, Direk Benedict!
“Maraming salamat po ulit, Direk Benedict sa napakalaking handog po niyo sa akin. Malaking bagay po ito sa aking laptop at dahil dito ay mapagpapatuloy ko ang pagsusulat ng iskrip.
“Hayaan po niyo ako na gumanti po sa ‘yo sa susunod na panahon dahil sa kabutihan niyo. Masaya na ako sa parteng nakinig at nauunawaan po niyo ang aking buhay.
“Nakakataba ng puso na may puwede palang magtiwala sa kakayahan ko na magsulat at magkuwento.
“Dalangin ko na hindi lang ngayong araw ang maging una at huling pagkikita po natin sa isa’t isa. Nawa’y maraming kolaborasyon po ang mangyari. Direk, kung kailanganin po niyo ako — libre po ang aking serbisyo.
“Puwede po niyo ako idamay sa mga ganaps niyo. Puwede po akong tumulong.
“Nais din ipaalam ng pamilya ko ngayon sa’yo, Direk na lubos silang nagpapasalamat sa kabutihan mo.
“Mula po ngayon ay kaisa na po niyo ako na magkukuwento. Ang tagumpay ko po, tagumpay niyo rin!”
Baka Bet Mo: Candy Pangilinan naantig sa ginawa ng anak; thankful sa natatanggap na blessings
Samantala, ang apat pang nabigyan ng libreng laptop ay sina Nicole Audrey Co, isang volunteer ng Alpas Mental Health Community; Kenneth Paul Mendiola, Film freshman sa UP Diliman; Shania Vonzel Legaspi, Grade 10 student sa San Isidro Catholic School sa Pasay City; at Nazarine Manuelle Gonzales, Grade 8 Special Science sa Manuel A. Roxas high school sa Manila.
Matatandaang naisulat natin dito last year ang announcement ni Direk Benedict na mamamahagi siya ng laptop sa mga kabataang nangangarap maging scriptwriter bilang pagse-share ng kanyang blessings sa mga less fortunate students na hindi makabili ng computer.
“I want to give them a laptop to give them a start. I want to navigate their journey as a writer or filmmaker,” pahayag ni Direk Bene.
“Not too many submitted. But from the few who did, I read their materials and chose the five deserving ones,” aniya pa.
Naibahagi rin niya ang adbokasiyang ito sa National Artist at award-winning scriptwriter na si Ricky Lee, “It was a good thing I had the opportunity to earn good money when I co-directed for Darna. So, I told Ricky, I would push through with my plan.”
Isa si Ricky Lee sa mga taong naging daan para marating ang estado niya ngayon bilang scriptwriter at filmmaker kaya hinding-hindi raw niya ito makakalimutan.
‘Darna’ director Benedict Mique may pa-surprise sa 5 kabataang nangangarap maging scriptwriter
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.