Jane payag ipagpatuloy ang paglipad bilang Darna sa pelikula: 'Sana makasama ko pa rin sila' | Bandera

Jane payag ipagpatuloy ang paglipad bilang Darna sa pelikula: ‘Sana makasama ko pa rin sila’

Ervin Santiago |February 13,2023
facebook
share this

Jane payag ipagpatuloy ang paglipad bilang Darna sa pelikula: ‘Sana makasama ko pa rin sila’

Ervin Santiago - February 13, 2023 - 07:15 AM

Jane payag ipagpatuloy ang paglipad bilang Darna sa pelikula: 'Sana makasama ko pa rin sila'

Jane de Leon

GAME na game pa rin si Jane de Leon na ipagpatuloy ang paglipad bilang Darna sa kabila ng matitinding challenge na hinarap niya sa katatapos lamang na action-fantasy series ng ABS-CBN.

Ayon sa dalaga, kahit na ilang beses nalagay sa panganib ang buhay niya dahil sa mga ginawang buwis-buhay na eksena bilang Darna ay willing pa rin siyang gawin ito kung magkakaroon ng season 2 o gawin nang pelikula ng Kapamilya Network.

Maraming life lesson na natutunan ang dalaga sa halos isang taong paglipad as the only Filipino iconic superhero.

Jane de Leon nakaahon sa kahirapan dahil sa ‘Darna’: Natulungan ko ang pamilya ko, guminhawa po ang buhay namin

“Maraming mga unforgettable moments at mga bagay na hinding-hindi ko makakalimutan. Siguro ‘yung una ‘yung audition talaga kung saan nag-start lahat at ‘yung mga nakasama kong tao dito sa Darna,” pahayag ni Jane sa panayam ng ABS-CBN.

Patuloy pa niya, “Siguro ‘yung mga natutunan kong bagay ay ‘yung pasensya at pagtitiwala kay Lord na may mga magagandang blessings at plano talaga Siya sa ‘yo.

“And you really need to trust ‘yung mga taong nandiyan around you and lagi niyong tatandaan na may mga taong papasok sa buhay niyo na magiging parte ng buhay niyo habang-buhay,” dugtong ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


Mensahe naman niya sa lahat ng sumuporta sa “Darna”, “Maraming maraming salamat po sa lahat ng pagmamahal at suporta na binigay niyo sa aming lahat at gusto kong sabihin na sobrang proud na proud ako sa ABS-CBN despite sa mga nangyari sa atin and of course JRB Productions, thank you so much and of course my family.”

Jane de Leon marami pang pasabog sa ‘Darna’, viral TikTok videos umabot na sa 2.3-B views

Samantala, kung magkakaroon nga ng sequel o bagong movie version ang “Darna”, willing na willing si Jane na gampanan uli ang kanyang karakter.

“Open naman siya, eh. ‘Yung story kasi ng ‘Darna,’ continuous naman siya.

“And ang maganda doon ay if ever magkaroon, hindi natin alam baka movie or another series ulit, but, of course, it’s up to our bosses. If ever, I’ll be glad. Sana makasama ko pa rin sila,” chika pa ni Jane.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iza sa paglipad bilang Darna: Celebrating the superhero in all of us today and always!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending