Queen of Hearts International pageant itatanghal sa Pilipinas | Bandera

Queen of Hearts International pageant itatanghal sa Pilipinas

Armin P. Adina - March 11, 2023 - 04:19 PM

Queen of Hearts International Pageant itatanghal sa Pilipinas

Kasama ni Queen of Hearts International Pageant organizer Mitzy Go-Gil (nakaupo, gitna) ang mga ‘Mrs.’ at ‘Miss” titleholders niya./ARMIN P. ADINA

ISANG bagong international pageant para sa mga may asawa at solo parents ang isasagawa sa Pilipinas, at isusulong nito ang women empowerment at magbibigay pa ng pagkakataon sa mga kalahok na makatulong sa mga nangangailangang Pilipino.

Itatanghal ang Queen of Hearts International Beauty Pageant sa Pilipinas sa Hunyo 5, at inaasahan ang pagdating sa bansa ng nasa 50 kandidata sa Mayo 30. Kasama sa isang-linggong iskedyul ang outreach activities, maliban sa preliminary competitions, nauna nang sinabi ng organizer na si Mitzy Go-Gil.

Tinatag ni Gil ang Queen of Hearts Foundation Inc. na nagsasagawa ng charity missions sa iba’t ibang panig ng bansa. Siya rin ang chair ng foundation. Nakapagsagawa na siya ng mga pambansang patimpalak na pumili sa mga naging kinatawan ng Pilipinas para sa iba’t ibang international pageants para sa “Mrs.” at “Miss.” Naging aktibo rin ang mga reyna niya sa outreach projects ng foundation sa pamamagitan ng paglalaan ng panahon at iba pang ambag.

Sa isang social media post noong Marso 3, naghayag si Gil ng mensahe para sa mga kandidata at

national directors ng bago niyang international pageant at sinabing, “I’m excited to see you all soon.” Sinabi niya sa Inquirer sa isang online interview na may 21 nang kumpirmadong kandidata sa ngayon, at nakikipag-usap pa siya sa mga katuwang sa ibayong-dagat upang tulungan siyang makamit ang target na 50 kalahok.

Maaring magpadala ng hanggang limang kalahok ang isang bansa para sa Queen of Hearts International Beauty Pageant sapagkat may limang international titles din na igagawad sa patimpalak—ang Mrs. Queen of Hearts Universe, Mrs. Queen of Hearts World, Mrs. Queen of Hearts International, Mrs. Queen of Hearts Earth, at Mrs. Queen of Hearts Global Tourism.

Baka Bet Mo: Top 10 para sa Miss Queen of Hearts PH rarampa na

Maliban sa limang international titles, may tatlo pang special titles na paglalabanan—ang Mrs. Queen of Hearts Asia Pacific, Mrs. Queen of Hearts Western Pacific, at Mrs. Queen of Hearts Southeast Asia.

Sinabi rin ni Gil sa Inquirer na malapit nang ilabas ang karagdagang impormasyon kaugnay ng bagong international pageant, maging kung paano pipiliin ang mga magiging kinatawan ng Pilipinas. Sinabi niyang limang Pilipina ang magbabandera sa bansa sa pandaigdigang patimpalak.

Ang Golden Hearts Entertainment Production ang organizer ng 2023 Queen of Hearts International Pageant, at beneficiary naman ang Queen of Hearts Foundation Inc.

Related Chika:
Beteranang beauties sasabak sa unang Miss Rotary pageant

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

84 kandidata magtatagisan sa Miss Universe preliminary competition

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending