84 kandidata magtatagisan sa Miss Universe preliminary competition | Bandera

84 kandidata magtatagisan sa Miss Universe preliminary competition

Armin P. Adina - January 11, 2023 - 02:26 PM

84 kandidata magtatagisan sa Miss Universe preliminary competition
ITATANGHAL na ang preliminary competition ng ika-71 Miss Universe pageant sa Enero 11 (Enero 12 sa Maynila) sa New Orleans, Louisiana, sa Estados Unidos na kasama lahat ng 84 kandidata sa isa sa pinakamahalagang yugto ng patimpalak.

Negative na sa COVID-19 si Gabriela Dos Santos mula Curacao at pinahintulutan nang maipagpatuloy ang pagtatangka niyang masungkit ang inaasam na korona. Nauna siyang in-isolate makaraang magpositibo sa novel coronavirus pagtuntong niya sa host state ng patimpalak.

Ipinakilala na rin ng Miss Universe Organization (MUO) ang mga bubuo sa selection committees para sa preliminary competition at final ceremonies. Kabilang sa mga inampalan sa kumpetisyon sa Enero 11 (Enero 12 sa Maynila) ang fashion model na si Mara Martin, ImpactWayv Chief Marketing Officer Kathleen Ventrella, at modelong si Olivia Jordan na second runner-up ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Kasama rin sina Martin at Jordan sa final judging panel, na kinabibilangan din ng mga Miss Universe na sina Ximena Navarrete at Wendy Fitzwilliam, American celebrity na si Emily Austin, rapper na si Big Freedia, TV host na si Myrka Dellanos, Roku executive na si Sweta Patel, at Pilipinang entrepreneur na si Olivia Quido-Co na official skin care sponsor na ng Miss Universe nang ilang taon.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miss Universe (@missuniverse)

 

Sa preliminary competition, makikipagtagisan ang lahat ng mga kandidata suot ang swimsuit na nilikha ni 1995 Miss World Jacqueline Aquilera mula Venezuela, at suot din ang “Maureen” shoes ng Pilipinong shoemaker na si Jojo Bragais. Isa-isa rin silang rarampa sa kani-kanilang evening gown.

Mapapanood ito real-time sa YouTube channel at Facebook page ng patimpalak, at sa Lazada app sa Pilipinas sa Enero 12, alas-9 ng umaga. Susunod naman ang national costume show alas-11 ng umaga, sa nasabi ring digital platforms.

Kasama ang preliminary competition sa mga yugto ng patimpalak na makatutulong na tukuyin kung sino-sino ang tutuloy sa semifinal round. Isinagawa ang indibidwal na closed-door interview sa lahat ng mga kandidata Enero 10 at 11. Malalaman sa coronation show kung sino-sino ang hahakbang papalapit sa koronang kasalukuyang taglay ni Harnaaz Sandhu, ang ikatlong reyna mula India.

Itatanghal ang coronation show ng ika-71 Miss Universe pageant, ang itinuturing na edisyon para sa 2022, sa New Orleans Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana, sa Enero 14 (Enero 15 sa Maynila). Tatangkain ng Italian-Filipino model at realtor na si Celeste Cortesi na ibigay sa Pilipinas ang ika-lima nitong panalo.

Related Chika:
MUO president sinabing ‘celebration of women’ ang 71st Miss Universe pageant

Bagong Miss Universe crown tatawaging ‘Force for Good’, nagkakahalaga ng $6-M

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Top 10 para sa Miss Queen of Hearts PH rarampa na

Catriona Gray kabilang sa mga magiging backstage commentator ng Miss Universe 2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending