MUO president sinabing ‘celebration of women’ ang 71st Miss Universe pageant
IPINAKILALA na ng Miss Universe Organization (MUO) ang mga magiging host at commentator para sa ika-71 edisyon, na mga babae lahat, at naiulat pang mga babae rin ang bubuo sa judging panel. Isang opisyal ang nagsabing may nais ipahiwatig ang lahat ng ito.
“From our two multihyphenate female hosts to our female producer and new female ownership, this year’s show will truly be a celebration of women, created by women,” sinabi ni MUO President Paula Shugart sa isang pahayag na inilabas ng orgaisasyon.
Magbabalik bilang host ang modelo, content creator, at 2012 Miss Universe Olivia Culpo mula nang una siyang mag-host sa ika-69 edisyon noong Mayo 2021, at sasamahan siya ng Daytime Emmy winner na si Jeannie Mai-Jenkins. Backstage commentators naman sina 2018 Miss Universe Catriona Gray at ang Emmy Award-winning host na si Zuri Hall.
Sinabi naman ni MUO CEO Amy Emmerich, “with Culpo as a successful former titleholder and Jeannie’s work in redefining what it means to be a working mother, both women are true examples of the momentum the [MUO] is building.”
View this post on Instagram
Nitong huling kwarter ng 2022, nagkaroon din ang MUO ng una nitong babae at hindi-Amerikanong may-ari. Nakuha ng Thai media mogul na si Anna Jakapong Jakrajutatip ng JKN Global Group ang buong pagmamay-ari ng organisasyon, kasama ang lahat ng mga patimpalak nitong Miss Universe, Miss USA, at Miss Teen USA, noong Oktubre.
Ibinahagi rin niya sa isang panayam ng Thai media na mga babae ang lahat ng judges sa ika-71 Miss Universe pageant, na maituturing na edisyon nito para sa 2022.
Pinaalalahanan din ni Jakrajutatip ang mga kandidata, “it’s fundamentally important for you to learn about the organization, as well as your role as the female icon who can advocate the good changes around the world.”
Walumpu’t limang mga kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang magtatagisan para sa titulong kasalukuyang taglay ni Harnaaz Sandhu, and ikatlong reyna mula India.
Itatanghal ang 2022 Miss Universe coronation night sa New Orleans Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana, sa Estados Unidos sa Enero 14 (Enero 15 sa Maynila). Tatangkain ng Italian-Filipino model at realtor na si Celeste Cortesi na maibigay sa Pilipinas ang ikalima nitong panalo.
Related Chika:
Catriona Gray kabilang sa mga magiging backstage commentator ng Miss Universe 2022
Bagong Miss Universe crown tatawaging ‘Force for Good’, nagkakahalaga ng $6-M
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.