Shamcey Supsup-Lee umaasa sa bonggang Miss Universe pageant | Bandera

Shamcey Supsup-Lee umaasa sa bonggang Miss Universe pageant

Armin P. Adina - October 27, 2022 - 12:15 PM

Shamcey Supsup-Lee umaasa sa bonggang Miss Universe pageant

Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup-Lee/ARMIN P. ADINA

INAMIN ni Miss Universe Philippines (MUPH) National Director Shamcey Supsup-Lee na wala pang opisyal na abiso ang global pageant organization kaugnay ng naiulat na pagpapalit ng pagmamay-ari nito, ngunit sinabi niyang nabalitaan na niya ang pagsasalin ng 71-taong-gulang na international pageant sa Thailand-based na JKN Global Group.

“If it is true, then we are very happy to have it in Asia,” sinabi ni Lee sa Inquirer sa isang phone interview. “Alam natin na when it was held in Bangkok ang bongga. I’m looking forward sa ganong bongga,” pagpapatuloy pa niya.

Sa isang pahayag noong Okt. 26, ipinarating ng media and content conglomerate na JKN Global Group sa Thailand na nakuha na nito ang Miss Universe Organization (MUO) mula sa IMG, na nauna nang napaulat na ibinebenta na ang international pageant.

Naiulat ding nabili ng JKN Global Group ang MUO mula sa IMG Worldwide sa halagang $20 milyon (nasa P1.18 bilyon).

JKN Global CEO Anne Jakapong Jakrajutatip/ANNE JAKRAJUTATIP FACEBOOK PHOTO

“We know in the last few years that countries in Southeast Asia have been at the forefront of pageants,” sinabi ni Lee, na third runner-up sa 2011 Miss Universe pageant sa Brazil.

Sinabi rin niyang nang malipat ang pagmamay-ari ng MUO sa WME/IMG mula kay Donald Trump, nanatili pa rin ang mga opisyal. Binili ng Endeavor ng superagent na si Ari Emmanuel ang patimpalak noong 2015, at ipinaloob ito sa hanay ng mga brand sa ilalim ng WME/IMG.

Naglabas naman si Paula Shugart, na MUO president mula pa noong panahon ni Trump, ng pinagsanib na pahayag kasama si CEO Amy Emmerich, na nagsabing, “we are excited to continue the evolution of The Miss Universe Organization with JKN. Our relationships with global partners and brands have never been stronger; and our progressive approach continues to position us at the forefront of our industry.”

Pinasalamatan din ng dalawang babae ang IMG “for providing us a foundation to realize our aspirations for the brand.”

Pahayag naman ni JKN Global CEO Anne Jakapong Jakrajutatip, “we are incredibly honored to be acquiring [MUO] and working with its visionary leadership team.”

Sinabi pa ng bilyonaryang Thai, ang unang babaeng nagmay-ari sa MUO, na dahil sa hakbang niya ay higit pang yayabong ang JKN Global Group sa buong mundo.

“We seek not only to continue its legacy of providing a platform to passionate individuals from diverse backgrounds, cultures, and traditions, but also to evolve the brand for the next generation,” pagpapatuloy pa ni Jakrajutatip.

Nakatakdang idaos sa New Orleans, Louisiana, sa Estados Unidos sa Enero ang ika-71 na Miss Universe pageant, na maituturing na edisyon nito para sa 2022, kung saan pipiliin ang magmamana sa koronang taglay ngayon ng reynang si Harnaaz Sandhu mula India.

Reigning Miss Universe Harnaaz Sandhu/ARMIN P. ADINA

Si Celeste Cortesi ang kinatawan ng Pilipinas sa ika-71 Miss Universe pageant.

Miss Universe Philippines Celeste Cortesi/ARMIN P. ADINA

Related Chika:
Rabiya Mateo ‘winner’ na para kay Shamcey Supsup: You are our queen!

Shamcey Supsup na-shock nang mahawa ng COVID: Bakunado na kaming lahat

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Miss World 2021 ipagpapaliban muna dahil sa banta ng COVID-19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending