Boy Abunda sa naburang contents ni Liza sa socmed: It is not hacking, it is rebranding | Bandera

Boy Abunda sa naburang contents ni Liza sa socmed: It is not hacking, it is rebranding

Pauline del Rosario - February 24, 2023 - 10:52 AM

Boy Abunda sa naburang contents ni Liza sa socmed: It is not hacking, it is rebranding

SINAGOT na ng King of Talk na si Boy Abunda ang mga haka-haka ng madlang pipol na nagsasabing na-hack umano ang social media accounts ng aktres na si Liza Soberano.

Kinumpirma mismo ni Tito Boy na hindi raw ito na-hack.

Ayon sa kanya, ito at hudyat ng panibagong simula sa karerang tinatahak ni Liza sa ibang bansa.

“A couple days ago, nabigla, nagulantang ang social media universe dahil with 17.6 million followers and 1.55 million followers on YouTube, natanggal ang lahat ng content sa social media platforms ni Liza Soberano,” sey ng TV host sa kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda.

Dagdag niya, “So there were a lot of speculations, mga hula-hula na na-hack, basta maraming mga opinyon. I will confirm hindi po na-hack. Hindi po na-hack ang social media accounts ni Liza.”

Nilinaw din niya na bagamat kinumpirma niyang walang pangha-hack ay nakikipag-ugnayan pa rin siya sa kampo ni Liza.

“Let me speak as a manager not as a host. I would guess because I still have to discuss with people in the know. I would guess that Liza is taking on ibang direksyon po. I don’t wanna say reinvention,” saad ni Tito Boy.

Giit niya na “rebranding” ang kasalukuyang ginagawa sa social media ni Liza.

Patuloy na paliwanag ng King of Talk, “Parang bagong direksyon sa kanyang karera and what is the best way to communicate to your new direction, figure public than your social media platform. So tinanggal itong lahat at babaguhin ang mukha ng social media. So this is a rebrand if we have to call it.”

Hinangaan din ng TV host ang ginawang pagbabago sa social media ng aktres dahil sa buong tapang nito na burahin ang lahat ng nilalaman nito,

Sey ng King of Talk, “This is a rebrand but nais kong purihin kung sino man ang may kagagawan nito because it is brave and it is exciting for Liza Soberano who happens to be one of the most beautiful girls in the world….So it is not hacking, it is rebranding.”

Matatandaang una nang nagsalita ang dating manager ni Liza na si Ogie Diaz tungkol dito.

Sinabi nga rin niya na maaaring rebranding ang nangyayari, lalo na’t nasa bagong management na ang aktres.

Inamin din ni Ogie na nakakaramdam siya ng panghihinayang matapos malamang nawala ang lahat ng content sa social media ni Liza dahil nagsisilbi itong “memories” at “history” ng mga pinagdaanan sa showbiz industry.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

FB account ni Jaclyn Jose muling na-hack, nagreklamo na sa NBI: Bastos at walang galang itong gumagawa ng ganito

Jaclyn Jose biktima rin ng hacking, nagbabala sa publiko: Please huwag paloko

Facebook page ni dating QC Mayor Herbert Bautista na-hack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending