Judy Ann never na-link kay Sam: Parang tita na niya 'ko! Tsaka may asawa na ko nu'ng magsama kami sa teleserye | Bandera

Judy Ann never na-link kay Sam: Parang tita na niya ‘ko! Tsaka may asawa na ko nu’ng magsama kami sa teleserye

Reggee Bonoan |February 13,2023
facebook
share this

Judy Ann never na-link kay Sam: Parang tita na niya ‘ko! Tsaka may asawa na ko nu’ng magsama kami sa teleserye

Reggee Bonoan - February 13, 2023 - 07:11 AM

Judy Ann never na-link kay Sam: Parang tita na niya 'ko! Tsaka may asawa na ko nu'ng magsama kami

Rahyan Carlos, Judy Ann Santos at Sam Milby

BRAD o tropa ang tingin ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa leading man niyang si Sam Milby na muli niyang makakatrabaho after 10 years.

Magkasama sila ngayon sa horror movie na “The Diary of Mrs. Winters” mula sa direksyon ni Rahyan Carlos na kukunan pa sa Canada.

Kilala namin ang aktres na kapag hindi siya kumportable sa leading man niya ay hindi niya ito tatanggapin at dahil aprub ang aktor, meaning gusto niya talaga si Sam.

Unang nagkasama sina Juday at Samuel Lloyd sa teleseryeng “Huwag Ka Lang Mawawala” noong 2013. Natanong ang aktres sa presscon ng “The Diary of Mrs. Winters” kung ano ang nagustuhan niya sa aktor at kung may say ba ang asawang si Ryan Agoncillo kung sino ang puwede niyang makasama.

Judy Ann Santos tigil muna sa cooking vlogs dahil sa pagtaas ng bilihin: Ayokong hindi maka-relate ‘yung viewers

“Actually hindi, pero ako ang nagsasabi sa kanya, hindi na kailangang hintayin ng kapartner mo o ng asawa mo kung sino ang makakasama mo sa project.

“Si Sam and Ryan naman hindi magkabarkada pero kilala nila ang isa’t isa dahil nagkasama na kami before pa doing ‘Huwag Ka Lang Mawawala.’

“So, alam ni Ryan that I’ll be in good hands with Sam and para namang…tita na ako ni Sam, di ba? (tawanan ang lahat). Buti nga mas malaki siya sa akin matangkad siya mukha lang akong bagets,” paliwanag ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cornerstone Entertainment Inc (@cornerstone)


Bakit hindi sila romantically na-link ni Sam noong ginawa nila ang “Huwag Ka Lang Mawawala”?

“E, kasi naman may asawa na ako noong magkasama kami, nakakatakot kung ma-link pa kami sa isa’t isa habang kasal ako. Ha-hahahaha!

“Saka ano kami ni Sam (click), wala kaming awkward stage. Parang right there and there nag-click kami walang chance na nagkaroon kami ng malisya sa isa’t isa.  Ewan ko siguro may ganu’n, e. May ganu’n relationship sa isang tao na first time kayong magkasama.

John wish na ma-experience na ni Sam ang magkapamilya: Hindi naman sa pini-pressure ko siya na I have 3 kids na…

“Ah, brad ko ‘to, eh. Oo guwapo siya pero mas ‘brad’ ko ‘to ganu’n ang dating. Sana huwag ‘brad’ ang tingin niya sa akin puwede namang ‘sis’ di ba?” natatawang kuwento ni Juday.

O, di ba? Halos lahat ng nakasamang aktres ni Sam sa serye o pelikula ay iisa ang sinasabi, hindi nila nakitaan ang aktor ng malisya na ibig sabihin ay good boy ito.

Iba naman ang naging kaso nang nakasama ni Sam sina Toni Gonzaga-Soriano at Anne Curtis-Heussaff noong mga dalaga pa dahil talaga namang nagkaroon sila ng “something” sa isa’t isa.

Abangan ang “The Diary of Mrs. Winters” kung kailan ito ipalalabas sa Pilipinas mula sa direksyon ni Rahyan Carlos produced ng AMP Studios Canada at Happy Karga Films.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sam Milby excited nang pakasal at magka-baby kay Catriona Gray: Hintayin n’yo lang, masu-surprise rin kayo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending