DonBelle parehong priority ang family; sunud-sunod ang magiging pasabog sa 2023
SIGURADONG abangers na ang milyun-milyong DonBelle fans all over the universe kung ano ang magiging ganap sa pagse-celebrate nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ng Valentine’s Day sa Martes, February 14.
In fairness, talaga namang napakalakas at napakatindi ng DonBelle tandem ng dalawang Kapamilya stars at walang duda na isa sila sa matatawag na phenomenal loveteam sa local showbiz industry.
At isang patunay diyan ay ang sunud-sunod na proyekto nila sa Kapamilya Network at ang parami nang parami nilang product endorsements.
Donny Pangilinan taken na raw sabi ni Julia, ‘in a relationship’ na nga ba kay Belle Mariano?
Kabilang na riyan ang bago nilang TV commercial kung saan ipinapakita ang mga simple moments at mga ganap sa buhay na mahalaga sa kanila tulad ng mga paandar na selfie, pagsabak sa mga TikTok dance challenge, at sa paggawa ng mga BTS o behind the scenes video mula sa kanilang mga proyekto.
Sa panayam kina Donny at Belle, natanong sila kung ano pa ang mga nilu-look foward nila ngayong 2023 sa kanilang personal na buhay at showbiz career.
“My hope is that I am able to go through this year balancing work and staying connected with family and loved ones, not to mention all the extra things I still want to do on the side,” pahayag ni Donny.
Para naman kay Belle, “I have to agree with Donny because nothing beats spending quality time with your loved ones.
“And it doesn’t always have to be grand, it can be as simple as having coffee, sharing funny memes, or a call to cap the day, it’s really the thought that makes every moment special,” dagdag pa ng dalaga.
Sa interview naman ng “Inside News” ng Star Magic, ibinahagi rin nina Belle at Donny ang kanilang wishes for 2023 lalo na ngayong itinuturing na rin silang isa sa most promising and bankable loveteam ng ABS-CBN.
View this post on Instagram
“Sana ngayong 2023 ay mas ma-strech pa ako in terms of learning my craft. I also want to spend more time with friends and family as well. And travel more,” sey ni Donny.
“I hope 2023 is full of positivity and happiness not just for me but for everyone else,” pahayag naman ni Belle.
At tulad ng DonBelle, maaari n’yo na rong sariwain ang inyong precious moments gamit ang PowerAll 99. Dahil sa kasama nitong 8GB data, mas madali nang makapunta sa mga paboritong internet sites at mga application, kagaya ng Unli TikTok, at UnliText sa lahat ng network sa loob ng 7 araw sa halagang P99.
Samantala, pagkatapos ng matagumpay nilang movie na “An Inconvenient Love” at ng kanilang online at digital series na “He’s Into Her”, muling bibida sa teleserye ang DonBelle.
Ang tinutukoy namin ay ang “Can’t Buy Me Love” na sinasabing first-ever teleserye ng New Gen Phenomenal Love Team.
‘Tala’ film concert ni Sarah sunud-sunod ang pasabog; may pa-tribute pa para sa pamilya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.