'Tala' film concert ni Sarah sunud-sunod ang pasabog; may pa-tribute pa para sa pamilya | Bandera

‘Tala’ film concert ni Sarah sunud-sunod ang pasabog; may pa-tribute pa para sa pamilya

Ervin Santiago - March 28, 2021 - 09:34 AM

HINDI binigo ni Sarah Geronimo ang milyun-milyong Popsters na tumutok sa sunud-sunod niyang pasabog sa kanyang first-ever digital film concert kagabi na “Tala”.

Trending kagabi sa social media ang kabuuan ng “Tala: The Film Concert” ng Popstar Royalty na eksklusibong napanood sa  KTX.ph at iWantTFC ng ABS-CBN.

Bukod nga sa mga bonggang production number ng Kapamilya singer-actress, nagsilbi ring documentary film ang “Tala” dahil isa-isang binalikan ni Sarah ang mahahalahang tagpo sa kanyang buhay.

Unang kinanta ni Sarah ang original song niyang sa “Sa Iyo” na isa sa mga biggest hits niya noong 2003 at naging hudyat ng kanyang pagiging “multimedia superstar” ng kanyang henerasyon.

Sinundan pa ito ng “Kilometro,” “Dulo,” at ang bagong version niya ng “Duyan” at “Misteryo” kung saan muling pinatunayan ni Sarah ang kanyang superb talent sa pagsasayaw at pag-e-emote on stage.

Tuwang-tuwa rin ang kanyang mga fans all over the universe nang kantahin niya ang chart-topping hits ngayon tulad ng “Dynamite” ng BTS, ang “Levitating” ni Dua Lipa at  “Blinding Lights” ng The Weeknd. In fairness, talagang kinarir din ng singer-actress ang choreography ng mga nasabing kanta sa tulong ng G-Force.

Pinalakpakan din ng virtual audience (kasama na kami riyan) ng “Tala” ang mga “buwis buhay” production numbers ng misis ni Matteo Guidicelli tulad ng ginawa niyang stunts para sa kanyang “Ikot-Ikot” performance kung saan kumakanta siya sa loob ng umiikot na malaking box na ginawang kuwarto.

“Challenge sa akin yung stamina pero of course yung team ko and yung G-Force, si Teacher G, we all made an effort na i-prepare yung sarili ko, yung katawan ko for this show,” sabi ni Sarah G.

Aniya pa, “Challenging siya kasi dapat well-rehearsed bawat movements. Hindi mo pwedeng labanan yung galaw nung set. Kailangan magmuka siyang effortless, dinadala ka lang ng paggalaw nung set.

“The more I did it mas nagiging okay, mas nagiging comfortable, mas nagiging easier for me. Nakaka-amaze at exciting. I hope magustuhan nila ito,” chika pa ng singer.

Kinanta rin niya ang “Your Universe,” “Ganito,” “The Great Unknown” at “Tagu-Taguan” kung saan naka-duet niya sina Champ Lui Pio at J Makata.

Sa huling bahagi ng concert, naka-duet din ni Sarah ang asawang si Matteo with Ed Sheeran’s “Best Part of Me.” Bago ito may solo number din si Matteo with his version of “If You’re Not the One”.

“You doing this has brought back happiness and joy to everybody’s hearts. More importantly, it reminded everybody that we have to be grateful and we are all blessed,” pahayag ni Matteo sa kanyang misis.

Samantala, binigyan din ni Sarah ng pa-tribute ang kanyang mga magulang at kapatid sa show kung saan binanggit niya kung gaano kahalaga ang kanyang pamilya sa buhay niya.

Alam naman ng lahat na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Sarah at ang kanyang pamilya nang magpakasal siya kay Matteo. Ngunit balitang nagkaayos na rin ang mga ito kamakailan lamang.

Ipinalabas ang duet nila ng kanyang amang si Delfin Geronimo  (I Will Be Here) habang ipinaaalala sa publiko na huwag mag-give up sa ating pamilya at mga mahal sa buhay.

“You could have all the richest in the world, have the material things na gusto mo, pera na gusto mo, popularity, fame na gusto mo pero kung wala naman sa buhay m yung mga pinaka-importante sa ’yo, balewala lahat ito.

“Life is not easy, may kanya-kanya po tayong mga personal issues pero focus on the positive things, be happy, be content at enjoy. Yun lang, huwag na huwag kakalimutan to enjoy,” mensahe ni Sarah.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At para sa huling pasabog ng two-hour concert ng Popstar Royalty, muli siyang humataw para sa phenomenal hit niyang “Tala” kung saan muli niyang pinatunayan sa buong mundo kung gaano siya katalentado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending