Cebu City kinilala ang ‘kabayanihan’ ng 2 nursing students matapos sagipin ang tindera
HINANGAAN at itinuturing na mga bayani ang dalawang nursing student sa Cebu City matapos sagipin ang isang tindera na nilaslas sa leeg.
Sila ay sina Angyl Faith Ababat at Kristianne Joice Noelle Ona na parehong second-year nursing students sa University of Cebu.
Noong January 30 ay saktong napadaan ang dalawa estudyante kung saan nagbebenta ng prutas ang 48-year-old na tindera na si Bernadeta Zamora nang bigla siyang ginilitan sa leeg ng isang lalaki.
Nang makita ito nina Angyl at Kristianne ay kaagad silang kumilos upang matulungan si Nanay Bernadeta.
Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang biktima, habang naaresto na ang suspek na live-in partner pala ng tindera.
Dahil nga sa “heroic deed” na ginawa ng dalawa ay kinilala sila ng Cebu City Police Office, pati na rin mismo ng Cebu City government na pinangunahan ni Councilor Rey Gealon.
Bukod sa mga regalong kagamitan sa eskwela ay binigyan sila ng scholarships para sa 6-month course ng caregiving.
Ayon pa kay Angyl, “It is overwhelming and we are blessed to be recognized. Helping someone really brings joy.”
Sey naman ni Kristianne, “We just helped. It is our intention to help. We never thought that we would get this kind of recognition.”
Sa isang Facebook post ay makikitang pinarangalan din sila ng kanilang mismong paaralan at lubos siyang nagpapasalamat.
Caption niya, “No words can explain how grateful we are for this opportunity of a lifetime and be blessed enough to meet and receive awards from our very own university president, Atty. Augusto Go, and from our university chancellor, Miss Candice Gotianuy [red heart emoji].”
Pinasalamatan niya rin ang kanilang mga guro na patuloy silang ginagabayan at inaalalayan upang maging isang huwarang nurse sa bansa.
“To our respected clinical instructors and dean, Ms. Mercy Apuhin, we thank you for molding us to become who we are today,” lahad niya.
Patuloy pa niya, “We’re halfway through achieving our RN dreams and yet we are more than lucky to have instructors who are diligent and patient enough to teach and pass down their knowledge to us, students, while we’re still in the pursuit of our personal and professional development.”
Dagdag niya, “We are what we are today because of your love and passion. And even in our future achievements and endeavors, we carry with us all the wisdom and skills handed down. Again we thank you.”
Related chika:
Katrina nagsalita na tungkol sa ‘misteryosong sakit’, nanigas ang leeg, sobrang nilamig
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.