2 Nursing students na tumulong sa sinaksak na fruit vendor ng live-in partner pinarangalan, binigyan ng scholarship
MGA bagong bayaning maituturing ang dalawang Nursing students matapos magpamalas ng katapangan sa pagtulong sa fruit vendor na tinaga sa leeg ng kanyang ka-live-in partner.
Puring-puri ng netizens sina Angyl Faith Ababat at Kristianne Joice Noelle Ona dahil sa pagliligtas nila sa tinderang si Bernadeta Zamora mula sa tiyak na kamatayan.
Base sa viral na ngayong CCTV footage sa social media, makikitang tinulungan ng dalawang estudyante mula sa University of Cebu ang duguang vendor sa kahabaan ng C. Padilla Street noong nakaraang Lunes, January 30.
Base sa ulat, bigla na lamang sinaksak sa leeg ng kanyang ka-live-in partner dahil umano sa matinding selos.
Kasunod nito, nilapitan at tinulungan nga ng dalawang Nursing students ang biktima at hindi inalintana ang peligrong maaaring maglagay sa kanila sa delikadong sitwasyon.
Kuwento ni Angyl Faith sa UC, naisabuhay at nagamit niya ang mga natutunan niya sa kanyang kurso partikular na ang pangunahing kaalaman at lunas para sa sugat.
“At first, hesistant ako since there were a lot of pre-med or med students there, so I was hoping na sila mauunang tumulong sa ale.
“But no one responded, and when I saw nanay na magko-collapse na, I thought, hala kung wala tutulong sino naman? Kaya ako na ang nag respond.
“Thankful ako sobra sa mga RLE Clinical Instructors sa UC kasi they taught us the basics and especially sa wound care. And aside dun, meron din na mga trainings sa school na na-apply ko talaga,” pahayag ng dalaga.
Siyempre, super proud kina Angyl ang University of Cebu dahil sa ipinakita nilang kabayanihan at pagtulong sa nangangailangan.
“Faith in humanity restored by one of our nursing students. Kudos! Angyl for the kind deed and genuity that you showed to people in need,” ang bahagi ng opisyal na pahayah ng UC.
Pararangalan din ng Cebu City Police Office sina Angyl at Kristianne dahil sa pagsagip nila sa buhay ng fruit vendor.
Bukod dito, makakatanggap din sila ng scholarship mula sa kanilang school, kabilang na ang pagsagot sa mga gagastusin nila para sa board exam review.
Bibigyan din sila ng city government ng Cebu pagkilala at parangal sa pamamagitan ng isang resolution.
Samantala, kakasuhan naman ng frustrated murder in relation to violence against women and children ang suspek.
* * *
May pampa-good vibes ka bang chika? O, may kakaibang karanasan na gusto mong i-share? I-BANDERA na yan! Ipadala ang inyong mga bonggang kuwento sa mga official social media accounts ng BANDERA at sa bandera.inquirer.net..
Kim namigay ng pera sa mga nagtitinda sa UP campus; ice cream vendor shookt sa P20K ayuda
Ivana namigay ng pera habang nagpapanggap na pulubi; pinaiyak ng tindero ng puto’t kutsinta
Cassy proud working student, nag-aaral habang nasa lock-in taping: Stressful but fun!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.