Scammer na mala-’Anna Delvey’ ng Pinas arestado sa Taguig | Bandera

Scammer na mala-’Anna Delvey’ ng Pinas arestado sa Taguig

Pauline del Rosario - February 05, 2023 - 11:34 AM

Scammer na mala-’Anna Delvey’ ng Pinas arestado sa Taguig

INARESTO sa isang condominium sa Taguig City ang 26-year-old na scammer umano na si Mikaela Veronica Cabrera.

Ayon sa police report, karamihan sa mga nabiktima ni Cabrera ay mga lalaking nakilala niya sa online dating application na nagpapakilala bilang founder ng fashion company na AUMA Fashion Styling Firm.

Ang pag-scam umano ng suspek ay para mapondohan ang nalulugi niyang negosyo.

Inihalintulad pa siya kay “Anna Delvey” mula sa true story ng Netflix-miniseries na may titulong “Inventing Anna” na nagkukunwaring German heiress para makapag-scam ng ilan sa mga pinakamayaman sa Amerika.

Ngunit ang panloloko ni Cabrera ay nawakasan na matapos siyang makilala at isumbong ng isang real estate agency.

Kwento ng ahente, nagbabayad ng tseke ang suspek pero lagi daw itong tumatalbog.

“Nagbayad siya through tseke, tapos itinawag namin sa bank through verify, pero ang sabi closed na raw ‘yung account,” sey ng real estate agent sa INQUIRER.NET.

Dagdag pa niya, “So hindi na nagpush-through ‘yung client ko kasi syempre sketchy na, pero nagpahanap ulit siya ng bagong lessor somewhere sa BGC (Bonifacio Global City).”

Dahil daw sa nangyari ay naghinala na sila at nagsagawa ng background check kay Cabrera at doon nila natuklasan ang isang Facebook page na may pangalang “Mikaela Veronica Sese Cabrera A Scammer.”

Kwento pa ng agent, minessage nila ang nasabing FB page at sinabi nito na may utang sa kanya ang suspek na P10 million, habang may isa pang kakilala niya raw na P6 million ang utang ni Cabrera.

Matapos nilang malaman ang ginagawang panloloko ni Cabrera ay nagsagawa na raw sila ng isang entrapment operation upang mahuli siya.

Nahuli si Cabrera habang papunta na sa isang condominium na bibilhin na niya sana sa ahente.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), nahaharap ngayon sa paglabag sa “Anti-Bouncing Check Law” si Cabrera at kasalukuyang nakakulong sa substation ng Taguig City Police sa Barangay Fort Bonifacio, BGC, Taguig.

Read more:

#SanaAll: Nina Cabrera nagpa-raffle ng additional paid leaves sa kanyang mga empleyado

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

20 tsuper inaresto dahil sa ‘overloading’, nanawagan ang LTFRB na sumunod sa batas

Cherie Gil biglang umalis sa ginagawang teleserye: I have no regrets

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending