Roderick Paulate bigo sa Sandiganbayan, apela ibinasura | Bandera

Roderick Paulate bigo sa Sandiganbayan, apela ibinasura

Therese Arceo - January 28, 2023 - 08:46 PM

 Roderick Paulate bigo sa Sandiganbayan, apela ibinasura
IBINASURA ng Sandiganbayan ang motion for reconsideration ng actor-comedian na si Roderick Paulate na i-reverse ang hatol sa kanya kaugnay ng kasong graft at falsification of public documents dahil sa pagkakaroon umano ng ghost employees noong 2010.

Sa isang 26-page resolution na inilabas nitong Biyernes, dinenay ng Sandiganbayan Seventh Division ang apelang inihain ng actor-politician pati ng kapwa niya akusadong si Vicente Bajamunde na convicted rin ng graft.

“Lack of merit” ang naging dahilan kung bakit ibinasura ng korte ang apelang inihain ni Roderick at ng kanyang driver na si Bajamunde.

“After a careful perusal of the arguments raised by accused, the court finds no cogent reason to disturb its earlier findings,” ayon sa inilabas na resolusyon.

Base kasi sa pahayag ni Roderick, hindi siya aware na ang mga naturang job contractors ay “fictitious” o “non-existent”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roderick Paulate (@roderickpaulate)

Maliban rito ay wala nang iba pang bagong ebidensya na nailabas ang kampo ng actor-politician para makumbinsi ang korte na baligtarin ang nauna nitong desisyon.

Matatandaan na nitong December 2022 ay hinatulan ng Sandiganbayan si Roderick ng guilty para sa kasong graft at makukulong ito ng mula anim hanggang walong taon. Guilty rin ito sa kasong falsification of public documents at maaaring makulong mula anim na buwan hanggang anim na taon.

Related Chika:
Roderick Paulate ‘guilty’ sa kasong graft at falsification of public documents kaugnay ng ghost employees

Roderick Paulate ipinagtanggol ni Cristy Fermin: Hindi po puwedeng basta na lang siya pagbibintangan ng ganyan!

Roderick Paulate tried and tested na ang friendship kay Maricel Soriano: Ilalaban ako n’yan!

Carmi sa kaso ni Roderick: Nabiktima siya, mas maraming big fish diyan, bakit hindi iyon ang unahin?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending