Vico Sotto naharap sa kasong graft sa unang pagkakataon
SA kauna-unahang pagkakataon ay nahaharap si Pasig City Mayor Vico Sotto sa reklamong graft na inihain ng grupo ng protesters na umamin na mula sa kalapit na lungsod.
Ito ang unang pagkakataon na may nagreklamo sa kanyang panunukulan buhat nang maupo ito sa pwesto noong 2019.
Ang naturang graft complaint ay inihain sa Office of the Ombudsman nitong August 7 ng nagpakilalang si Ethelmart Austria Cruz na isang private citizen at residente ng Pasig.
Inakusahan ni Cruz si Mayor Vico ng kasong graft, paglabag sa code of conduct ng public officials, grave misconduct, gross neglect of duty, conduct prejudicial to the best interest of the service at serious dishonesty.
Isa rin sa mga pinangalanang bilang respondents ay ang head ng Pasig City’s Business Permit and Licensing Department na si Melanie de Mesa at city administrator na si Jeronimo Nazareno.
Baka Bet Mo: Atasha Muhlach nabuntis nga ba ni Vico Sotto, how true?
Inakusahan ni Cruz na pinayagan ni Mayor Vico ang 100-percent discount ng isang telecommunications company na naka-base sa Pasig sa kabila ng mga inconsistencies sa mga dokumentong ipinasa nito sa city hall.
Ayon sa 17-page complaint, hindi raw tama ang idineklarang office size capacity at bilang ng mga empleyado ng telecommunications company na Converge ICT Solutions.
Ayon kay Cruz, ang idineklara ng naturang kumpanya “for tax purposes” ay umuukupa lamang sila ng 5 sq. meters na opisina para sa apat na empleyado.
Ngunit base sa inspection reports noong 2022, ang aktwal na sukat ng opisina ay nasa 9,037.46 sqm na may 1,901 empleyado.
Dagdag pa ni Cruz, isang tax order of payment raw ang inilabas noong October 2022 sa Converge na nagkakahalagang P3,670,340.11, na may total surcharge na P447,106.77 at interest na P979,570.27 “representing deficiencies/delinquencies in the payment of fees and licenses.”
Ngunit base sa claim ni Cruz ay pinayagan ng opisina ni Mayor Vico ang 100% discount sa penalties kung saan tanggal ang mga tax penalties na para sa Pasig City government.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.