Darryl Yap hugot na hugot, 'umiyak' sa Morocco: 'Sila na nga itong nanggagamit sila pa ang galit' | Bandera

Darryl Yap hugot na hugot, ‘umiyak’ sa Morocco: ‘Sila na nga itong nanggagamit sila pa ang galit’

Ervin Santiago |January 26,2023
facebook
share this

Darryl Yap hugot na hugot, ‘umiyak’ sa Morocco: ‘Sila na nga itong nanggagamit sila pa ang galit’

Ervin Santiago - January 26, 2023 - 10:59 AM

Darryl Yap hugot na hugot, 'umiyak' sa Morocco: 'Sila na nga itong nanggagamit sila pa ang galit'

Darryl Yap

IDINAAN ng controversial filmmaker na si Darryl Yap sa isang “tula” ang kanyang nararamdaman sa mga natatanggap na batikos at pangnenega ng mga bashers sa social media.

Aliw na aliw ang mga netizens sa mga hirit ni Direk Darryl sa pinakabago niyang Facebook post na may kaugnayan sa mga kaganapan sa pagsu-shooting nila sa Morocco.

Inakala kasi ng mga FB followers ng direktor na may matindi siyang pinagdaraanan ngayon dahil nga sa patuloy na pang-ookray at panlalait sa kanya ng mga haters, kabilang na ang mga loyal Kakampinks.

“Umiyak ako sa Morocco,” simulang pagbabahagi ni Darryl.

“Kapag gusto nilang lokohin ang sarili nila, lagi nilang sinasabing, ‘Sino ba yang Darryl Yap na yan?!’

“Hindi nila alam, yun din ang tanong ko sa sarili ko — Sino ba ako?
para makaramdam sila ng ganyan?” aniya pa.

Hugot pa ng direktor ng blockbuster hit na “Maid In Malacañang”, “Ako ang baguhan, ako ang kararating,  ako ang nagsisimula pa lang.

“Hindi ako malaking tao para pagtulungan o kalabanin o banggain—hindi ako ang may maraming awards
pero gigil na gigil sila sa akin.

“Sa totoo lang, di ko nga alam kung matatawa ako o kikiligin, kasi hindi ako, kundi sila—sila ang lakas na lakas sa akin.

“Ako, kasama ng team ko at mga naniniwala sa aking mga likha—
nagtatrabaho lang kami— upang maibalik sa madla ang suportang hindi nila ipinagdadamot,” mariing sabi pa ng direktor.

Sabi pa niya, “Hindi kami gumagawa para may masira,
hindi kami nagkukwento para may mapahiya, hindi namin gusto magtagumpay para may matalo— gusto lang namin may maipanalong kwento.

“Sila na nga itong nanggagamit—sila pa ang galit. Ako na nga ang pulutan sa mga GC at shoot nila—
ako pa ang masama ang ugali…

“Napahinto ako dito sa isang sulok sa Morocco,nagtago ako sa mga staff ko—umiyak ako, niyakap ko ang sarili koat bumulong ako sa malamig na hangin, sabi ko…

“Kawawa naman ako—fresh, cute, young at mayaman,” ang nakakaloka pang hirit ni Darryl Yap.

Umani naman ito ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens at tulad ng inaasahan binanatan uli siya ng mga detractors ni Pangulong Bongbong Marcos at ng mga supporters ni dating Vice President Leni Robredo.

Nagpapakalat ng fake news buking ni Darryl Yap: Kilala ka na namin, pagbutihin mo pa, sige lang nang sige!

Kylie Verzosa biglang umiyak sa ‘Showtime’ nang tanungin ni Vice Ganda tungkol sa ‘hiwalayan’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Darryl Yap nagpagupit na, pinuri ni Kuya Kim: Very good!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending