Kylie Verzosa biglang umiyak sa 'Showtime' nang tanungin ni Vice Ganda tungkol sa 'hiwalayan' | Bandera

Kylie Verzosa biglang umiyak sa ‘Showtime’ nang tanungin ni Vice Ganda tungkol sa ‘hiwalayan’

Ervin Santiago |April 20,2022
facebook
share this

Kylie Verzosa biglang umiyak sa ‘Showtime’ nang tanungin ni Vice Ganda tungkol sa ‘hiwalayan’

Ervin Santiago - April 20, 2022 - 11:43 AM

Ruffa Gutierrez niyakap si Kylie Verzosa nang umiyak sa Showtime

Ruffa Gutierrez at Kylie Verzosa

MAS lalong uminit ang balitang naghiwalay na sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa matapos umiyak on national television ang beauty queen-actress.

Bigla na lamang naging emosyonal ang dalaga nang mapag-usapan sa isang segment ng “It’s Showtime” ang tungkol sa paghihiwalay ng mga magdyowa.

Sa live episode ng Kapamilya noontime show kahapon, April 19, isa sa mga umupong judges sa pageant segment na “Showtime Sexy Babe” kasama sina Ruffa Gutierrez at Chie Filomeno.

Sa pakikipagchikahan ng mga host sa contestant na si Jannarose Campanero, nabanggit nga nito ang kanyang personal experience sa pakikipaghiwalay sa dati niyang dyowa.

Kasunod nito, nag-dialogue nga si Vice ng, “Paano mo malalaman, pag nasa isang sitwasyon ka na parang ang bigat-bigat at ang hirap-hirap, paano mo malalaman kung ang sitwasyon na yun ay pagsubok lamang o isa ng sign?”

Dugtong pa niya, “Hindi naman laging natatapos ang relasyon dahil naubos na ang pagmamahal mo, may mga pagkakataon na kahit meron ka pang pagmamahal, kailangan mo nang tapusin ang relasyon na ito.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa)


Nang mapatingin ang TV host-comedian kay Kylie ay ito ang tinanong niya, “Aminin niyo, nag-iisip kayo, si Kylie parang nag-isip. May pinagdadaanan ka bang challenge or may nakikita kang sign?”

Ngunit sa halip na sumagot, natigilan ang dalaga at nagsimula na ngang tumulo ang luha. Niyakap naman siya nina Ruffa, Chie at Vice.

Tinakpan muna ni Kylie ang mukha at nag-sorry sa madlang pipol. Sabi ng mga host, huwag nang piliting magsalita ang aktres pero biglang sabi ni Kylie, “Na-touch lang ako.”

At dahil nga rito mas umingay ang chika na mukhang may bahid nga ng katotohanan ang balitang hiwalay na sina Kylie at Jake na two and a half years nang magkarelasyon.

Sa report ni Reggee Bonoan dito sa BANDERA, posibleng matinding selos daw ang isa sa naging sanhi ng breakup ng dalawa. Ang chika kasi, napuno na raw umano ang aktor sa pagiging selosa ni Kylie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa Twitter page ni Kylie, tila kinumpirma na rin daw nito ang pinagdaraanang pagsubok matapos niyang i-post ang salitang “Broken.”

Kylie Verzosa handang isugal ang buhay para sa magandang pelikula ngayong pandemya

Paghuhubad ni Kylie sa pelikula inookray: I’m an actress at meron pa akong pwedeng ipakita

Kylie Verzosa: Kapag beauty queen ka, you have to be the best version of yourself

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending