Pokwang bet pasalihin sa Miss Universe ang anak na si Malia, celebs nag-react Bandera

Pokwang bet pasalihin sa Miss Universe ang anak na si Malia, celebs nag-react

Therese Arceo |January 25,2023
share this

Pokwang bet pasalihin sa Miss Universe ang anak na si Malia, celebs nag-react

Therese Arceo - January 25, 2023 - 05:59 PM

Pokwang bet pasalihin sa Miss Universe ang anak na si Malia, celebs nag-react

AMINADO ang Kapuso actress at comedienne na si Pokwang na isa sa mga pangarap niya ay makasali sa Miss Universe someday ang kanyang anak.

Sa kanyang Instagram post ay ibinandera niya ang larawan habang nagma-manifest na balang araw ay magiging representative rin ito ng Pilipinas sa prestigious international beauty pageant.

“Balang araw maririnig ko ang mga katagang ito anak, Malia Francine Subong 24 PHILIPPINES!!!!!!” saad ni Pokwang sa kanyang caption.

May pa-hashtag pa ang Kapuso star na “#futuremissuniverse” at “#manifestation”.

Mukha namang suportado si Pokwang ng kanyang mga kapwa celebrities na talaga namang nag-comment sa kanyang post gaya nina KC Concepcion, Melai Cantiveros, Sofia Pablo, at marami pang iba.

“Yaaaaasess!” pagsegundo ni Miss Universe Philippines 2022 Rabiya Mateo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Marami rin sa mga netizens ang um-agree at sinasabing may potensyal talaga ang kanyang anak na maging isang beauty queen someday.

Si Malia ay anak ni Pokwang sa dati nitong dyowa na si Lee O’Brian.

Nagkahiwalay sila noong November 2021 ngunit July 2022 lang nang maibalita ito matapos mapansin ng mga netizens ang pagbabago ng pangalan ng mga ibinebentang produkto ng komedyana.

Sa kabila naman ng paghihiwalay. nina Pokwang at Lee ay nagkaroon pa rin sila ng magandang samahan at nagkasundo na mag-coparent sa anak.

Ngunit kamakailan lang ay tila “deleted” na sa buhay nilang mag-ina si Lee dahil tila may pagpapasaring ang mga Instagram post nito na may mga tao na silang binura sa buhay nilang mag-iina.

“deleted some people from my life and we welcome this cutie na mas tao pa ang puso,” sey ni Pokwang sa isang post kung saan yakap yakap ni Malia ang bagong alagang aso.

Related Chika:
Pokwang sinigurong wala nang second chance sa relasyon nila ni Lee O’Brian: Basta OK na OK na ako, bye!

Pokwang sa basher ng anak: Dami mong alam! Kahit ‘di magsuklay maganda yan at wala ka nu’n PAKIALAMERA!’

Pokwang present sa birthday ni Lee O’Brian, may bwelta sa ‘sayang luha’ comment ng netizen

Pokwang nag-‘delete’ ng tao sa buhay nila, ipinagpalit nga ba sa mas ‘chaka’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending