Vice sinubukang 'gamutin' ang pagiging beki, nakipag-date sa 5 babae: 'Hindi ko kayang humalik, hindi ko kayang humawak sa d*d*! | Bandera

Vice sinubukang ‘gamutin’ ang pagiging beki, nakipag-date sa 5 babae: ‘Hindi ko kayang humalik, hindi ko kayang humawak sa d*d*!

Ervin Santiago - January 23, 2023 - 07:43 AM

Vice sinubukang 'gamutin' ang pagiging beki, nakipag-date sa 5 babae: 'Hindi ko kayang humalik, hindi ko kayang humawak sa d*d*!

Vice Ganda

SINUBUKAN din pala ng Kapamilya TV host at comedian na si Vice Ganda na “gamutin” ang kanyang pagiging beki sa pamamagitan ng pakikipag-date sa mga babae.

Knows n’yo ba na nakalimang girlalu si Vice noong kabataan niya pero talaga raw hindi niya kaya ang pumatol sa babae dahil bata pa lang ay alam na niyang lalaki rin ang gusto niya.

Maraming rebelasyon ang komedyante tungkol sa kanyang dating buhay at noong hindi pa siya pumapasok sa mundo ng showbiz sa panayam sa kanya ni dating Manila Mayor Isko Moreno.

Mapapanood ito sa ikalawang episode ng “Iskovery Night”, ang YouTube channel ng dating alkalde. Dito nga napag-usapan nila ang naging kabataan ni Vice sa Blumentritt sa Maynila.

“I have always known, I have always felt na bakla ako. Alam ko na pero nilalabanan ko siya kasi sabi ko nga dati, maggi-girlfriend ako.

“I was trying to cure it until I realized, ‘bakit ko kinu-cure eh, hindi naman ‘to sakit, o disability.’ Hindi naman siya nagbabago, nagka-girlfriend lang ako pero bakla pa rin ako,” chika ni Vice.

Pagpapatuloy pa niya, “Hindi ko kayang humalik. ‘Di ko kayang humalik sa labi. Hindi ko kayang humawak sa d*d*.

“Nanginginig ako na naninigas ako, I swear kinilabutan talaga ako,” pag-amin pa niya kay Isko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Dagdag pang sabi ng TV host, mas lalo lang daw niyang nakilala ang kanyang tunay na pagkatao noong  nakikipag-date siya sa babae. Aniya, hindi mo mapipigil o makokontrol ang paglantad kung sino ka talaga.

“‘Yun ka. Hindi talaga ‘yun mababago. Kahit anong klaseng pagbabagong ipilit o ilagay mo sa sarili mo, sinasabi mo lang ‘yun pero hindi mo talaga ‘yun nababago,” sabi ni Vice.

Sabi naman ni Vice sa past episode ng “Showtime”, walang issue sa kanya kung tawagin siyang “sir” o “ma’am” ng mga tao.

“Ako, kahit ano. Kapag tinawag mo akong ‘ma’am,’ hindi ako mao-offend. Kapag tinawag mo akong ‘sir,’ hindi rin ako mao-offend. Hindi ko niri-recognize ang sarili ko… either. Non-binary ang gender ko.

“Kahit sa mga articles, kapag ini-interview ako, ‘Ano pong pronoun ang gusto niyong gamitin sa inyo, she po ba or he?’

“Ako, personally, sasabihin ko, I don’t really mind. Kung ano pong gusto niyo. Hindi ako mao-offend kung gamitan niyo ako ng ‘he’ or ‘she,’” aniya pa.

“Pero, ako iyon. May mga tao na definite sila kung ano’ng pronoun ang gustong gamitin sa kanila. Kaya it’s better that you ask, kasi not everyone is identifying themselves as part of the binary gender.

“Simulan na natin matuto na ‘yung mga transgender women ay hindi tinatawag na ‘sir’ at saka ‘he.’ Hindi sila mga lalaki. Mga babae sila.

“Kung hindi kayo sure, pakitanong po kung saan sila komportable na ina-address. ‘Paano niyo po gustong tawagin kayo?’ Ganoon ‘yung mas may respeto. If you don’t know how to do it, ask,” pahayag pa ng asawa ni Ion Perez.

Banat ni Cristy Fermin kay Kuya Kim: Kapag hindi kayang panindigan, ‘wag magsalita

Bida-bidang young actor na mahilig manggamit ng beki minamalas ang career

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chito ayaw magsolo: Hindi ko kayang gumawa ng magandang kanta na wala ang mga kabanda ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending