Bida-bidang young actor na mahilig manggamit ng beki minamalas ang career | Bandera

Bida-bidang young actor na mahilig manggamit ng beki minamalas ang career

Ervin Santiago |September 20,2021
facebook
share this

Bida-bidang young actor na mahilig manggamit ng beki minamalas ang career

Ervin Santiago - September 20, 2021 - 04:57 PM

HINDI pa rin makaariba nang bonggang-bongga ang career ng isang young actor na nakilala sa kanyang paghuhubad sa mga BL (boy’s love) series. 

May kakambal nga raw yatang “jinx” o kamalasan ang aktor dahil ang pangarap niyang kasikatan dati ay parang malabo na. Marami kasi ang ayaw siyang tantanan dahil sa attitude at panggagamit daw n’ya sa mga beki.

‘Yun siguro ang isa rin sa mga dahilan kaya naudlot ang kanyang pagsikat dahil marami ngang tutol. Kumbaga hindi umaayon ang universe sa kanya. 

Talagang hindi magtatagumpay ang binatang ito kung may attitude problem naman talaga na balitang naninira rin sa dati niyang kapareha sa isang series at maraming unfinished business sa mga beking kanyang hinuhuthutan.

Panay siguro ang pagdarasal nila na huwag umangat ang aktor ito na nasangkot na rin sa isang iskandalo — actually maraming iskandalo. 

Dati siyang nasa pamamahala ng isang trying hard na talent management na hindi na masyadong aktibo. Tanong nga ng aming source, “Hindi kaya ganu’n din ang nangyari sa binatang ito? Du’n s’ya siguro natuto na manggamit ng mga beki.”

Hindi kataka-taka dahil mukhang may naipundar na ngayong pandemic ang BL actor na ito na hindi rin minsan mapigilang mag-post ng mga achievement n’ya sa social media na kinaiinis ng mga beki na nagbibigay sa kanya dahil ang drama n’ya ay galing sa dugo’t pawis n’ya ang mga ito.

Hindi rin daw marunong tumanaw ng utang na loob ang aktor kaya siguro ang minamalas sa kanyang karera. 

Sabi pa ng source, kahit may dyowa raw itong beki na tanging naniniwala sa kanya, ay nagagawa pa nitong manghuthot sa iba pang bading.

Bukod sa karelasyong beki, ang mas nakakaloka ay may dyowa rin daw itong girl. Mula sa dyowang bading daw ang ipinanggagastos ng aktor sa GF niya na wala namang kaalam-alam sa mga nangyayari.

Pagtatapos ng aming kausap, iba raw talaga ang ugali ng aktor. Minsan ay paawa effect pa ito sa social media. Minsan ay magpo-post ng quotes about success. Hindi alam ng mga tao ang totoo n’yang ugali. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakakaloka raw talaga ang drama ng “pabida sa langit” na aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending