Male celeb inaatake ng depresyon: 'Medyo hindi stable ang utak niya ngayon, meron siyang pinagdaraanan' | Bandera

Male celeb inaatake ng depresyon: ‘Medyo hindi stable ang utak niya ngayon, meron siyang pinagdaraanan’

Reggee Bonoan |January 19,2023
facebook
share this

Male celeb inaatake ng depresyon: ‘Medyo hindi stable ang utak niya ngayon, meron siyang pinagdaraanan’

Reggee Bonoan - January 19, 2023 - 12:49 PM

Male celeb inaatake ng depresyon: 'Medyo hindi stable ang utak niya ngayon, meron siyang pinagdaraanan'

Guess, guess who? Hula-hula na!

“BUTI na lang kahit paano may work siya _____ (kilalang aktor).  Binibigyan siya ng project para kaya niyang buhayin ang sarili niya,” ang tsika sa amin ng taong malapit sa male star.

Sa out of town naninirahan ngayon ang aktor dahil ito raw ang sabi sa kanya ng mga taong mabait sa kanya at malayo sa polusyon ng Metro Manila.

Hindi naman kalayuan sa Metro Manila ang tinitirhan ngayon ng aktor pero aminadong mas masaya siya roon dahil sa mga bagong kaibigan.

Kuwento ng aming source, “Dinalaw nga namin sa ____ (kung saan nakatira) at nagugulat kami kasi alam mong may pinagdaraanang personal (na problema).

“Tapos hindi naman niya kasama ang pamilya niya kaya kaibigan ang kasama niya ro’n,” sabi sa amin.

Nangungupahan daw ang aktor sa nasabing lugar na maituturing siyudad na rin kahit considered itong out of town dahil isa na itong city.

At kapag walang trabaho ay nandoon lang daw ito sa bahay niya o kaya makikitang naglalakad-lakad sa kalye at nakikipagkuwentuhan.

“Hindi na siya tinatratong artista ro’n lagi siyang nakikita at may mga kaibigan naman.

“In fairness wala namang bisyo at nu’ng nandoon kami naninigarilyo at umiinom ng beer, pampalipas oras daw niya habang nanonood ng news. Mahilig manood ng news at Netflix,” tsika pa ng taong malapit sa aktor.

May dyowa ba siya ngayon? “Parang wala pero may pinupuntirya. Ewan ko du’n. Parang okay naman sila nu’ng girl. Pero malayo sa mga naging dyowa niya.”

May depression ang aktor na hindi naman siya matulungan ng pamilya dahil may iba na ring pamilya ang nakahiwalay na asawa at ang mga anak ay nasa ibang bansa na kaya technically mag-isa siya sa buhay at kailangan niyang buhayin ang sarili niya or else magugutom siya.

“Medyo hindi stable ang utak niya, may mga sinasabi na mapapatanong ka kung saan nanggagaling mga sinasabi niya.

“Ang maganda lang, maalaga naman siya sa katawan niya at walang bisyo, sana hindi matukso.  Sana magtuluy-tuloy din ang projects niya,” sabi pa ng malapit na kaibigan ng aktor na nagbigay din ng konting tulong sa kanya.

Kilalang male star sugatan na naman ang puso matapos maghiwalay ng ka-live in

Direktor awang-awa kay sikat na male celeb dahil binu-bully noon ng insecure na aktor

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alden wala pa ring lovelife: Magti-30 na ako, it’s about time na ako naman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending