Alden wala pa ring lovelife: Magti-30 na ako, it’s about time na ako naman | Bandera

Alden wala pa ring lovelife: Magti-30 na ako, it’s about time na ako naman

Ervin Santiago |October 17,2021
facebook
share this

Alden wala pa ring lovelife: Magti-30 na ako, it’s about time na ako naman

Ervin Santiago - October 17, 2021 - 08:57 AM

RAMDAM na ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang “pressure” sa pagkakaroon ng lovelife lalo pa’t malapit na siyang tumuntong sa edad 30.

Actually, last year pa nasabi ng Kapuso Drama Prince na gusto na talaga niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang buhay-pag-ibig. Talagang gustung-gusto na raw niyang magka-girlfriend.

Ngunit dahil nga sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic sa bansa, mukhang naapektuhan din  ang paghahanap niya ng “special someone” na magiging bagong inspirasyon niya sa buhay.

Sa ibinigay na virtual mediacon ng GMA 7 para kay Alden pagkatapos mag-renew ng exclusive contract  sa kanyang mother network, natanong muli ang binata tungkol sa estado ng kanyang lovelife.

“Actually, nandoon na naman po ako kasi, yun nga po, magti-30 (years old) na ako next year and siyempre, yung priorities natin, nag-iiba na.

“Parang I’ve already done quite a huge part for the lives of the people close to me. Parang it’s about time naman na ako naman,” ang sagot ng Pambansang Bae.

Alden wish pa ring magkaroon ng lovelife bago matapos ang 2021

Samantala, bonggang-bongga naman ang muling pagpirma ni Alden ng exclusive contract sa GMA kamakalawa dahil talagang nag-effort pa ang mga bossing ng Kapuso Network na gawin ito sa Edsa Shangri-La Hotel sa Mandaluyong City.

Kaya naman abot-langit ang pasasalamat ni Alden sa patuloy na pagmamahal at tiwala sa kanya ng GMA, “I’m a homegrown Kapuso at isa yun sa pinagmamalaki ko because my dreams came true sa tulong ng GMA. It’s an honor to be part of people’s lives and I get to do it because of GMA.

“I’d like to celebrate this kasi every year na nadagdag sa taon ko with GMA is a milestone for me and it made me feel that I am in the right place. 

“Isang malaking karangalan po talaga maging parte ng GMA for 10 years. Here’s to another 10 years and I’m really looking forward po to more beautiful projects and opportunities with the Kapuso network,” lahad ng aktor.

Marami pang gagawing bonggang projects si Alden sa mga susunod na buwan, ayon mismo kay GMA Senior Vice President for Entertainment Lilybeth Rasonable.

“Meron siyang uumpisahan na mas malaki pang project na sigurado akong matutuwa ang fans, matutuwa ang manonood, matutuwa ang netizens, kasi isang exciting title ang gagawin niya at magugulat sila sa role na gagampanan niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sabi niya kanina, he’s ready to do things that he does not normally do and this is one project na maipapakita niya yun,” sabi pa ni Rasonable.

At para sa lahat ng fans ni Alden all over the universe, mapapanood na muli ang top-rating series ng GMA na “The World Between Us” with Jasmine Curtis sa Telebabad simula sa Nov. 15 at malapit na ring simulan ang pelikula nila ng bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending