‘Attitude problem’ ni Alex naglabasan sa socmed, payo ni Ogie: Next time behave na siguro | Bandera

‘Attitude problem’ ni Alex naglabasan sa socmed, payo ni Ogie: Next time behave na siguro

Pauline del Rosario |January 19,2023
facebook
share this

‘Attitude problem’ ni Alex naglabasan sa socmed, payo ni Ogie: Next time behave na siguro

Pauline del Rosario - January 19, 2023 - 12:49 PM
‘Attitude problem’ ni Alex naglabasan sa socmed, payo ni Ogie: Next time behave na siguro

KALIWA’T kanang pambabatikos at pagtatanggol ang bumubuhos ngayon sa social media dahil sa viral birthday cake video ng vlogger-actress na si Alex Gonzaga.

Hindi naman nagpahuli diyan ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na isiniwalat pa ang tinatawag niyang “big reveal” ng ilang netizens tungkol kay Alex.

Payo pa nga ni Ogie sa latest niyang “Showbiz Update” sa YouTube, “Dapat siguro maging alerto din tayo. Lalo na kung may nakatutok na camera. Lalo na kung naka-live ito sa IG ‘diba.”

Sabi pa ng isa sa mga kasama ni Ogie sa video na si Dyosa Pockoh na matapos ang viral video ay marami ang nagalit at nag-unsubscribe sa channel ni Alex.

“Nako Tito Ogie, nabasa ko kagad sa comment section, nag-unsubscribe sila kay Mareng Alex kaya sa tingin ko, na-stress na siya,” Chika niya.

Patuloy na kwento ni Ogie, “Dahil nga nag-viral si Alex, I’m sure na aware din siya na ang asawa niya at si Toni Gonzaga at salitang bastos, isa-isa na ring naglabasan ang mga kwento na di umano’y pangit na ugali ni Alex mula ito sa kani-kanilang encounter and experiences kay Alex na ngayon ay nag mukhang big reveal.”

Nabanggit pa sa Showbiz Update ang dating sinabi ng aktres na si Dina Bonnevie na may pagka-maldita nga talaga raw si Alex.

Dahil diyan ay inisa-isa na nila Ogie ang mga nabasa nila sa social media ang mga kwento ng mga taong naka-encounter si Alex at karamihan sa kanila ay may masamang karanasan sa actress-vlogger.

Sey ni Ogie, “‘Yung iba, nagsasabing tama all along si Ms. Dina Bonnevie sa kwento nito na may attitude problem nga ang vlogger-comedienne.

“Sunod-sunod ang sumbong ng mga netizens sa Twitter ng kanilang encounter kay Alex. May nag-claim na taga-production na maldita daw si Alex sa set.”

Patuloy pa niya, “Meron namang hindi marunong sumunod sa call time si Alex, bagkus late pa nga itong dumadating sa set ng two to three hours.

“Meron pa nga nagsumbong na sila ni Toni Gonzaga ay ginawang utusan ang isang production staff.”

“Maging si Toni ay nakaladkad din sa kani-kanilang reklamo na isa pa rin daw na may attitude problem… Samantala, pinagtanggol naman si Alex ng mga nakakakilala sa kanya na ang sabi ay close kay Alex ‘yung waiter at pag may okasyon daw ang pamilyang Gonzaga ay ang grupo raw ng waiters na ito ang madalas nilang kunin,” Ani ng talent manager.

Hindi na masyadong nagbigay ng komento si Mama Ogie viral video, pero may tanging paalala na lamang siya para kay Alex.

At ‘yan ay maging maingat lalo na’t kapag nasa harap ng camera.

“So Alex, next time behave na siguro at next time dapat cautious tayo na may camera na nakatutok sa atin at alam mo naman diba, kahit wala namang meaning sa’yo ‘yun, kahit laro lang naman sa’yo ‘yun pero sa iba, sineryoso kasi ‘yun,” paalala ni Ogie.

Ani pa niya, “Kasi nga, hindi masyadong nakatawa ‘yung waiter, so feeling nila, medyo bwisit ‘yung waiter sa’yo Alex.”

Related chika:

Alex Gonzaga walang-wala sa kabaitan at pagiging humble ni Joseph Marco: ‘Never ko siyang nakitaan ng attitude’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

RR Enriquez kinampihan si Alex Gonzaga: ‘Please stop judging her na nagkamali dahil lang gusto niyang magpatawa’

Alex Gonzaga: I am sorry for causing you pain and embarrassment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending