RR Enriquez kinampihan si Alex Gonzaga: 'Please stop judging her na nagkamali dahil lang gusto niyang magpatawa' | Bandera

RR Enriquez kinampihan si Alex Gonzaga: ‘Please stop judging her na nagkamali dahil lang gusto niyang magpatawa’

Alex Brosas |January 19,2023
facebook
share this

RR Enriquez kinampihan si Alex Gonzaga: ‘Please stop judging her na nagkamali dahil lang gusto niyang magpatawa’

Alex Brosas - January 19, 2023 - 07:28 AM

RR Enriquez kinampihan si Alex Gonzaga: 'Please stop judging her na nagkamali dahil lang gusto niyang magpatawa'

Alex Gonzaga at RR Enriquez

AS expected, sumawsaw na rin sa issue ni Alex Gonzaga ang Sawsawera Queen na si RR Enriquez.

Sa kanyang Instagram account,  she posted a long aria bilang reaction sa ishinare niyang  post about Alex’s husband describing the sister of Toni Gonzaga as “very generous” and “very loving”.

“Sawsaw sawsaw!! Can’t wait to vlog but let me comment in this one first,” paunang aria ni RR.

After that, umarya na ng pagtatanggol si RR para kay Alex.

“It’s sooooo easy to judge someone base on what we saw on social media… Or based on the mistakes na nagawa nya…

“Sometimes yung kabaitan or tulong na nagawa ng tao nakalimutan na dahil mas gusto mag focus sa mali na nagawa nila…

“Sa totoo lang hindi madali maging komedyante… Ralate ako minsan kay Alex Kasi minsan talaga sa sobrang kulit mo at gusto mo magpatawa lang naman, akala mo nakakatawa ka pa, yun pala offensive na sa iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)


“But your intension naman is not to harm or mamahiya ng tao….” say niya.

“I honestly didn’t see anything wrong sa pag pahid ng cake… Kapag birthday mo you have the right na mag pahid ng cake or worst ikaw ang pahiran at hindi ka pwede magalit,” paliwanag pa niya.

“Pero totoo na you can only do that sa mga ka close mo,” paliwanag niya.

Ang feeling ni RR, masyadong pinalaki ang issue.

“Ang dami din kasi sensitive na tao na pinapalala ang situation. My goodness pero kapag si Alex ang ginawang katatawanan or kaming mga komedyante gawin katatawanan tuwang tuwa kayo.

‘Yes trabaho namin yun and we are paid to do that and yung waiter hindi. Tama naman. But minsan kailangan din natin lawakan ang isip natin hindi lang puro bash.

“Alex is also a human being minsan may mga spontaneous act kami nagagawa na hindi na talaga nakakapag isip ng tama basta alam mo para sa sarili mo nakakatawa sya….

“You don’t know the person personally… Good thing anjan ang husband nya to protect her and tell us kung sino ba si Alex behind closed doors…

“I’m sure may bad attitude din yan si Alex pero bakit tayo wala ba!!!!?” dagdag pa niya.

“But as a comedienne we can’t always use the word gusto ko lang magpatawa. Sometimes we need to grow up and mature also. I’m sure matututo na din si Alex kumalma ng konti at uminom muna ng mga gamot bago mag patawa CHAROT.

“I can relate kasi.. Nung nag trending ako sa Busina prank.. Bago ako mag patawa ngayon at mag post nag iisip na ako at umiinom muna ako ng gamot pang pakalma CHAROT,” say niya.

“But again please stop judging her or us na mga nagkamali dahil lang gusto namin magpatawa at dahil hindi kami nag iisip ng tama.

“Yung mga basher na yan sure ako sila yung mas masasama ang ugali na feeling perfect na akala mo never nakagawa ng mali sa buhay nila….Peace yow,” dagdag pa niya.

RR Enriquez sa bashers: Pakialam ko sa inyo! Basta masaya ako sa ginagawa ko!

Paano nga ba nag-umpisa ang pagiging ‘sawsawera’ ni RR Enriquez?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

RR Enriquez hindi bet si Skusta Clee para kay Zeinab: Hindi naman siya ganu’n kaguwapuhan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending