Toni Gonzaga nagre-ready na para sa concert: Thank you Jesus! Bandera

Toni Gonzaga nagre-ready na para sa concert: Thank you Jesus!

Therese Arceo |January 18,2023
share this

Toni Gonzaga nagre-ready na para sa concert: Thank you Jesus!

Therese Arceo - January 18, 2023 - 09:38 PM

Toni Gonzaga nagre-ready na para sa concert: Thank you Jesus!
MUKHANG handa na ang TV host-singer na si Toni Gonzaga paea sa kanyang nalalapit niyang 20th anniversary concert.

Sa katunayan ay ibinahagi na niya sa kanyang Instagram account ang larawan ng gagamitin niyang mikropono.

“Thank You Jesus! All because of You” caption ni Toni sa kanyang Instagram stories.

Samantala, sa kanyang IG post naman ay tila may pa-countdown na siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)

Umani naman ng iba’t ibang komento at reaksyon ang naturang post niya mula sa mga netizens.

“Good luck microphones! Ayusin nyo trabaho nyo. Wag nyong i-disappoint si Inday Toni!” saad ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “For sure kakantahin niya yung Roar saka Titanium hahaha.”

“Good Luck Toni Gonzaga sa concert mo. Sana magwagi ka sa isang ito. I’ll be praying for the success ng concert mo. God bless,” comment naman ng isa.

Sunud-sunod ang mga kontrobersiyang kinakaharap ng pamilya Gonzaga na nag-umpisa sa mga chikang pinakyaw raw ng ni Mommy Pinty ang tickets sa concert ng panganay nito dahil may mga nagsasabing mukhang lalangawin raw ito.

Ngunit paglilinaw ng producer ng naturang concert na 350 lang ang binili ni Mommy Pinty para sa concert ni Toni na para sa mga kaanak at mga kaibigan na nagpabili lamang sa kanya.

Samantala, ngayon naman ay ang kapatid niyang si Alex ang pine-bengbang ng netizens matapos ang pambabastos nito sa waiter sa kanyang birthday salubong.

Related Chika:
True ba, mahina ang bentahan ng ticket sa 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga?

Ogie Diaz gets ang pagbili ni Mommy Pinty ng 500 tickets para sa concert ni Toni: Susuportahan mo ‘yung anak mo

Producer ng 20th anniversary concert ni Toni na si Joed Serrano nag-explain sa isyu ng bentahan ng ticket

Toni asar-talo sa bashers matapos mag-win ng best actress si Nadine sa MMFF: ‘Ay, asan na yung most powerful celebrity?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending