Boy Abunda hiling na maisabatas na ang same sex marriage, gusto ring magpakasal, pero... | Bandera

Boy Abunda hiling na maisabatas na ang same sex marriage, gusto ring magpakasal, pero…

Ervin Santiago - January 17, 2023 - 07:19 AM

Boy Abunda hiling na maisabatas na ang same sex marriage, gusto ring magpakasal, pero...

Boy Abunda at Bong Quintana

YES, yes, yes mga ka-Marites! Totoong gusto rin ng King of Talk na si Boy Abunda ang maikasal sila ng kanyang partner na si Bong Quintana.

Payag na payag ang talent manager at award-winning TV host sa same sex marriage or union na hanggang ngayon ay hindi pa rin naisasabatas sa Pilipinas.

Matagal nang pinagtatalunan kung dapat na bang payagan sa Pilipinas ang pagpapakasal ng magkaparehong kasarian na until now nga ay patuloy na ipinaglalaban ng LGBTQIA+ community.

“Sana, dumating ang panahon na magkaroon ng same sex marriage. Takot na takot dito ‘yung ating mga legislators,” ang sagot ni Tito Boy nang tanungin namin sa mediacon ng bago niyang show sa GMA 7, ang “Fast Talk with Boy Abunda.”

Aniya pa, “Ako, I want to be practical. Ayaw n’yong tawagin naming marriage, union, ibigay n’yo sa amin ang karapatan.”

Dagdag na paliwanag ng premyadong TV host, sa Japan daw ay meron nang tinatawag na relationship contract kaya ang hiling niya, sana’y mabigyan na ng ganitong karapatan ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa Pilipinas.

“’Yan ay isang karapatan na ipinagdadasal ko na sana’y dumating sa buhay namin, na hindi na ipagkait sa LGBTQ community,” sabi ni Tito Boy.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais din niyang makita ang sarili na ikinakasal sa kanyang long-time partner na si Bong Quintana, “I would go for it only because I want to be able to protect myself and Bong.

“Can you imagine ang state natin ngayon, halimbawa kapag, I mean, knock on wood, may pumanaw sa amin, ang isa sa amin, walang karapatang pulutin ang katawan dahil wala kaming legal rights,” katwiran ng nagbabalik-Kapusong TV host.

Ngunit paglilinaw niya, hindi naman  sila atat na atat ni Bong na magpakasal, same sex marriage, “Sa tanda naman namin na ‘to, I’m not gonna go for the ceremony, wala na muna. Pero I will go for the marriage, even without a big party.”

Samantala, mapapanood na ang “Fast Talk With Boy Abunda” simula sa January 23. Ito’y isang 20-minute show na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA 7.

Ang unang magiging guest ni Tito Boy sa kanyang programa ay ang nag-iisang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Boy Abunda pag-aari ang ‘Fast Talk’ kaya nagamit sa GMA; unang pasabog ang interview kina Marian, Bea, Alden at Paolo

Lolit Solis hiling na mabigyan ng chance si Paolo na makita ang anak: Isa siyang responsableng ama

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Toni Talks’ binatikos ni Xian Gaza: Cheap na ‘yung content ni Toni Gonzaga, wala nang class

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending