Joey Reyes: Masuwerte ako kasi matatalino ang mga artista ko, mahirap kapag ang katrabaho mo walang utak!
IPINAGMAMALAKI ng award-winning veteran director na si Joey Reyes ang bago niyang pelikula sa Vivamax, ang “Tag-Init” kung saan halos puro baguhan ang kanyang mga artista.
Ito ang follow-up project niya sa Viva Entertainment after ng pelikula niyang kanyang “Secrets” at mini–series na “An/Na”. Ibang-iba naman daw ito sa kanyang previous sex-drama movies.
Bida rito sina Franki Russell, Yen Durano, Clifford Pusing, Ali Asistio, Marc Acueza, Aerol Carmelo at marami pang iba.
Iikot ang kuwento ng “Tag-Init” sa isang summer getaway na dapat sana’y katuwaan lamang pero isang binata ang makakaranas ng mga bagay na hinding-hindi niya na malilimutan.
Siya si Martin (Clifford Pusing), edad 17. Pinilit lamang siyang sumama sa kanyang kuya na si Chino (Ali Asistio) na mag-beach outing kasama sina Paolo (Aerol Carmelo) at ang girlfriend nitong si Nadine (Yen Durano).
Dahil feeling out of place, magso-solo si Martin at mapapadpad sa isang beach house kung saan nakatira si Adele (Franki Russell), isang dalagang may magandang mukha pero may malungkot na kwento.
Si Robbie (Marc Acueza), isang pamilyadong anak ng pulitiko, ay karelasyon ni Adele at gusto na sana niyang kumawala dito pero hindi niya magawa. Sa maiksing panahon na iyon, mahuhulog ang loob ni Martin kay Adele. Tuluyan nang magiging lalaki ang binatang si Martin.
View this post on Instagram
Sa presscon ng pelikula kamakailan ay natanong si Direk Joey kung ano ang naging experience niya working with the cast na halos lahat ay baguhan pa lamang sa aktingan.
“Hindi na bago sa akin ito as I’m used to handling newcomers, andami ng nagdaan sa akin, from Ruffa Gutierrez, Aiko Melendez and Carmina Villarroel, sina Mark Anthony Fernandez, Claudine Barretto at marami pa.
“Masuwerte ako kasi matatalino ang mga artista ko. Mahirap kapag ang katrabaho mo walang utak.
“I’m happy na sina Franki and Yen are such smart young women, they understand their roles as a kept woman and as a liberal young woman perfectly,” pahayag ng premyadong scriptwriter and director.
“When I’m doing this kind of movie na may sexy scenes, maingat ako, lalo na sa mga babae kasi kailangang alagaan mo ang pagkababae nila so they can maintain their dignity,” aniya pa.
“Si Clifford, I saw him in ‘Sakristan’ and I want an actor who’d be believable as a 17-year old innocent young man who’ll experience an unforgettable summer.
“Cliff calls me tatay and I explained to him his role, kunsaan ang pupuntahan ng character niya at wala kaming naging difficulty.
“‘Tag-init’ is about the passage of a young boy into becoming a young man with his experience with this lonely woman.
“The movie asks — ibinibigay mo ba ang iyong katawan dahil sa pagpaparaos lamang o dahil sa pagmamahal? Do you give love out of sex or out of love?
“Sa nangyari kay Clifford, he shows that he is more of a man than his brother and his friends because he gave love and care to this lonely young woman,” paliwanag ni Direk Joey.
“Si Marc naman, this is the first time he does sexy scenes and he asked the permission of his wife first.
“Sina Ali Asistio and Aerol Carmelo, no instructions dahil mga animal talaga yan at ako nga ang nagugulantang sa mga ginagawa nila sa harap ng camera.
“We all had a grand time while shooting it on the beach in Batangas,” chika pa niya.
Mapapanood na ang “Tag-init” sa Vivamax simula sa January 20.
Joel Lamangan puro baguhan ang katrabaho: Pandemic na nga, matanda pa ba ang kukunin ko?!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.