Joel Lamangan puro baguhan ang katrabaho: Pandemic na nga, matanda pa ba ang kukunin ko?! | Bandera

Joel Lamangan puro baguhan ang katrabaho: Pandemic na nga, matanda pa ba ang kukunin ko?!

Ervin Santiago - September 29, 2021 - 09:03 AM

Joel Lamangan

IKINUMPARA ng award-winning veteran director na si Joel Lamangan sa “blackboard” ang mga baguhang artista na nakakatrabaho niya ngayon sa kanyang mga pelikula.

Kabilang na nga riyan ang mga palaban sa hubaran na sina Sean de Guzman (Anak ng Macho Dancer); Paolo Gumabao (Lockdown); at sina Cloe Barreto at Marco Gomez (Silab).

At ang latest nga ay ang baguhang sexy star na si Christine Bermas, ang lead star sa pelikulang “Moonlight Butterfly” ng 3:16 Media Network.

Sa ginanap na storycon ng nasabing pelikula ay natanong si Direk Joel kung bakit tila sunud-sunod ang mga proyekto niya na puro baguhan ang bida.

“Dyusko! May pandemic na nga, matanda pa ba ang kukunin ko?! Kaya ang kinukuha ko, mga baguhan, magdi-discover tayo ng mga bagong artista na pwedeng magamit ng industriya sa hinaharap,” simulang paliwanag ng premyadong direktor.

Aniya pa, “Iyon ang ginawa natin kay Cloe, ito rin ang ginawa natin kay Sean, ito rin ang gagawin natin kay Christine, at marami pang susunod.

“Ako ay natutuwang magturo sa mga bago. Kasi, ano sila, parang blackboard, walang nakasulat.

“Ikaw ang magbibigay kung ano ang laman nila. Maaaring magalit ka, maaaring masigawan mo sila, maaaring mamura mo sila, pero hindi ka nila makakalimutan sa tanang buhay nila.

“Pero dadalhin nila iyon habang sila ay pumapalaot sa industriyang pupuntahan nila. Kaya ngayong may pandemya, gusto ko, baguhan. Ayoko na ng mga may edad na, yung mga matanda na,” magandang paliwanag pa ni Direk Joel.

Ngunit paglilinaw agad ng direktor, “Pero may mga project ako na matandang-matanda na. Ibig sabihin, ochenta pataas na. Bakit? Dahil mawawala na sila sa daigdig, bigyan na natin sila ng chance, silang mga otsenta, sitenta.

“Di ba, dalawa nga doon sa mga dati kong artista, namatay na. Gusto kong gumawa ng ganu’n uli. Yung pelikula ng mga matandang-matanda na, para maipakita nila ang kanilang kahusayan at matandaan sila sa kahuli-hulihang pelikulang ginawa nila.

“Ganu’n din sa mga bata na papalaot, iyon ang magiging essence nila, para makilala sila at dumating sila sa panahon na otsenta rin sila,” katwiran pa niya.

Ang tinutukoy ni Direk Joel na mga veteran stars na pumanaw na ay sina Eddie Garcia at Tony Mabesa na bumida sa pelikula niyang “Rainbow’s Sunset.”

Samantala, nagsimula na ang lock-in shooting ng “Moonlight Butterfly” at kuwento nga ni Direk tungkol dito, “It’s a totally different love story. This is the first time that I’m doing a love story na may espi-espionage ek-ek, ganu’n.

“And this is the first time na maipapakita ang ISIS bilang antagonist sa movie. Mahirap pagsamahin sa isang pelikula ang suspense-thriller at love story. Hindi iyon madaling ibalanse.

“Sasabihin mo, ‘Ano ba ito? Love story ba ito? Ano ba ito? Thriller ba ito?’ Parang magkakaroon somewhere ng identity crisis.

“Pero sinabi naman ng writer (Eric Ramos) nito, sa unang part, ay love story, papunta sa pagiging spy thriller, espionage. Kahit naman mga James Bond movie, may mga love stories, di ba? Ito rin naman, may mga ganu’n. May love story.

“Ito ba ay magpapakita ng skin? Itatanong ninyo mamaya. Opo, meron po itong skin! Kaninong skin? Hindi po sa akin, OK. Skin po ng mga artista, lalo na po ng lead stars.

“Si Christine Bermas, si Kit Thompson, si Ivan Carapiet, at saka si Albie Casiño. Meron pong skin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yun po kasi ang kailangan dahil ang 3:16 na production ay hindi nag-aatubiling magpakita ng dapat ipakita na kinakailangan sa istorya,” kuwento pa ni Direk Joel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending