Jaclyn Jose sinindak ng mga sikat na sexy stars noong dekada 80: Kaya hindi ko gagawin yan sa mga baguhan | Bandera

Jaclyn Jose sinindak ng mga sikat na sexy stars noong dekada 80: Kaya hindi ko gagawin yan sa mga baguhan

Ervin Santiago |July 18,2022
facebook
share this

Jaclyn Jose sinindak ng mga sikat na sexy stars noong dekada 80: Kaya hindi ko gagawin yan sa mga baguhan

Ervin Santiago - July 18, 2022 - 07:08 AM

Jaclyn Jose

HINDING-HINDI makakalimutan ng Cannes best actress na si Jaclyn Jose ang naranasan niyang paninindak ng mga sikat na sexy stars noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

Kuwento ng award-winning veteran actress, marami siyang naranasang hindi kagandahan nang baguhan pa lamang siya sa entertainment industry taong 1984.

“Noong panahon namin, kapag big star yung sexy stars, nananakot sila ng baguhan. Sisindakin ka talaga. They will look at you from head to toe. And we don’t like that kasi it happened to me,” pahayag ng Kapuso actress na napapanood sa seryeng “Bolera” na pinagbibidahan ni Kylie Padilla.

Hindi na niya pinangalanan ang mga nasabing sexy stars, “Mabuti na lang, good things happened to me. Ang mga project ko, puro Lino Brocka, Ishmael Bernal, Chito Roño, so I was in good hands.

“Hindi ko sila pinapansin but I can tell na naninindak sila, e, hindi ko gagawin yun sa mga baguhan,” sey pa ni Jaclyn sa online presscon ng bago niyang pelikula sa Vivamax na “Tahan.”

Nagsimula si Jaclyn sa paggawa ng sexy films ngunit kalaunan ay kinilala na rin siya bilang magaling at respetadong aktres. Nakatrabaho rin niya ang halos lahat ng mahuhusay na direktor sa bansa, kabilang na sina Lino Brocka, Ishmael Bernal at Chito Roño.

Ilan sa mga sexy films na ginawa niya noon na nagmarka sa manonood ay ang “Private Show” (1984), “White Slavery” (1985), “Flesh Avenue” (1986), “Takaw Tukso” (1986), at “Itanong Mo Sa Buwan” (1988).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)


Samantala, never ding nagtaray ang aktres sa mga baguhang nakakatrabaho niya lalo na sa mga  sexy stars.

“I do not judge actors who cannot deliver well. I’ve been here acting  for so long. Alam ko kapag magtatagal ang artista.

“Hindi na ako ang magsasabi nun, ang tadhana na. You just have to be nice, help and let them deliver.

“Kasi kapag tatakutin mo, anong mangyayari? Take four, take five, take ten? That will not work.

“Lalo silang nenerbiyosin, lalong matatakot, lalong hindi makaka-deliver. Papaano kung may potensiyal, natakot lang kaya hindi naka-deliver?” pahayag ni Jaclyn.

Aniya pa, “Sa part ko, I wanna be positive as I can be kasi marami na tayong pinagdaanan. Alam natin na o dati ito ganito. Ngayon, star na.

“You just have to give them a chance. Huwag kang maging hindrance sa kanilang pagsikat o kung anuman ang puwede nilang puntahan.

“I am very welcoming to new actors because, sabi ko nga, I once was there. Nanggaling ako diyan sa simula, sa sexy films, sa pagiging bagong artista.

“At walang nag-block sa akin to go on so I’m giving back lang din naman what Tita Charito Solis had given me and all the senior, veteran actors before me,” dagdag ni Jaclyn.

Ito naman ang advice ng premyadong aktres sa mga baguhang sexy stars, “Hindi ko naman sinasabi na parang maging ako sila. Ang sa akin lang, kapag sexy scenes, gawin mo na para wala nang take 2.

“Kasi kapag take 2, take 3, lalo lang madadagdagan yung exposure. So, as much as possible, gawin mo na one take para isahan na lang. Ganoon yung ginagawa ko noong araw.

“Para sa akin, ipapaulit lang ito, gawin ko na lang. Tutal kapag isahan, e, di one time na lang. Yan lang ang lagi kong ina-advise sa paggawa ng sexy films, sexy scenes,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na sa Vivamax ang “Tahan” simula sa July 22 kung saan makakasama rin sina Cloe Barreto at JC Santos sa direksyon ni Bobby Bonifacio, Jr..

Jaclyn Jose binanatan si Albie; may pakiusap kay Direk Lauren Dyogi

Jaclyn Jose bumuwelta sa Kapamilya director: Hindi po kami basura!

Jaclyn, Andi kinuyog ng netizens: Sinira n’yo career ni Albie pero never kayong nag-sorry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending