2023 prediction ni Stargazer: Biglang pagkamatay ng kilalang komedyante, ex-songstress sasabit sa iskandalo, veteran actor binalaan sa pagkain | Bandera

2023 prediction ni Stargazer: Biglang pagkamatay ng kilalang komedyante, ex-songstress sasabit sa iskandalo, veteran actor binalaan sa pagkain

Ervin Santiago |January 10,2023
facebook
share this

2023 prediction ni Stargazer: Biglang pagkamatay ng kilalang komedyante, ex-songstress sasabit sa iskandalo, veteran actor binalaan sa pagkain

Ervin Santiago - January 10, 2023 - 05:36 PM

2023 prediction ni Stargazer: Biglang pagkamatay ng kilalang komedyante, ex-songstress sasabit sa iskandalo, veteran actor binalaan sa pagkain

Stargazer

ISANG kilalang komedyante ang mamamatay ngayong 2023. Kailangang mag-ingat ang ilang sikat na celebrities para makaiwas sa kamalasan at iskandalo ngayong Year of the Water Rabbit.

Ilan lamang yan sa mga hulang ibinahagi ng paranormal expert na si Stargazer para sa taong 2023 kabilang na ang mga kontrobersiya na posibleng tumama sa ilang showbiz personalities at panibagong misteryosong sakit.

“Sudden death ng isang komedyante. Isang beteranong aktor dapat mag-ingat sa kanyang kinakain.

“Si aktres G, mas dapat pag-ingatan na ang kanyang health,” ang bahagi ng pahayag ni Stargazer sa isang YouTube video na mapapanood sa FYE Channel na may titulong ”2023 Predictions ni Stargazer.”

Pagpapatuloy pa niya, “Isang pamosong singer ang kailangan ding mag-ingat sa kanyang kalusugan.

“Isang former songstress ay magiging kontrobersyal dahil sa bisyo,” dagdag pa niya.

Nagbigay rin ng payo si Stargazer sa mga manonood na maging bukas sa kanyang mga hula at ikonsidera itong babala para mapaganda ang buhay.

Aniya, “Ang attitude natin is keep an open mind. Wala naman masama po na ikaw ay mag-iingat. Kaya po nabigyan ng gifts na ito is to warn ang make our lives better.”

Binanggit din niya ang kanyang mga hula para sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kasama na ang posibilidad ng riot at strike at kalamidad tulad ng lindol, pagputok ng bulkan, at tsunami, isang panibagong misteryosong sakit, at bagong hayop na madidiskubre sa Amazon.

Bukod sa kanyang mga hula para sa 2023, inilahad din ng dating DZMM anchor ang proseso na pinagdaraanan niya para magamit ang kanyang psychic ability at mabuo ang kanyang annual predictions, kabilang na ang pagdarasal at meditation.

Sinabi rin niya na kung minsan dumarating ang kanyang mga vision ng hindi inaasahan.

“Hindi po lahat dumarating in one sitting. May mga pagkakataon na even in my dreams pupunta po yan at paggising ko maaaala ko at isusulat ko.

“Minsan nanahimik po ako dumadating ang vision. Or even pag may kausap ako nagko-cross po ang vision,” pagbabahagi pa niya.

Napapanood si Stargazer sa “Pinoy Vibes” sa FYE Channel sa kumu at sa “Pinoy Paranormal Mysteries” sa FYE YouTube channel.

Cristy Fermin binalaan si Ronnie Liang: Mag-ingat ka sa pananalita mo

AJ Raval iyak nang iyak after makipag-love scene kay Diego Loyzaga; Sid Lucero lumabas sa kotse nang hubo’t hubad

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sean de Guzman buong araw kinarir ang pakikipag-love scene: Grabe, nakakaubos ng lakas!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending