AJ Raval iyak nang iyak after makipag-love scene kay Diego Loyzaga; Sid Lucero lumabas sa kotse nang hubo't hubad | Bandera

AJ Raval iyak nang iyak after makipag-love scene kay Diego Loyzaga; Sid Lucero lumabas sa kotse nang hubo’t hubad

Ervin Santiago - April 11, 2022 - 01:48 PM

Sid Lucero, Cindy Miranda, AJ Raval at Sean de Guzman

NAKAKAWINDANG at nakakaiskandalo ang mga inside stories ng mga bida sa latest Vivamax original series na “Iskandalo” mula sa direksyon ni Roman Perez, Jr..

Naikuwento nina AJ Raval, Angela Morena at Cindy Miranda ang mga unforgettable experience nila sa lock-in shoot ng “Iskandalo” kasama sina Diego Loyzaga, Sean de Guzman at Sid Lucero.

Inamin ni AJ na talagang umiyak siya nang bonggang-bongga nang kunan ang love scene nila ni Diego sa “Death of a Girlfriend” na idinirek ni Yam Laranas.

“Sa Death of a Girlfriend, after ng love scene namin ni Diego Loyzaga, baby-baby pa kasi ako noon. After ng love scene namin ni Diego, umiyak ako.

“Iyak ako nang iyak tapos niyakap ako ni Direk Yam at ni Diego.  Kinomfort nila ako. Siguro hindi pa ako masyadong ready that time. Bini-build up ko pa lang yung sarili ko sa mga ganoong eksena. Pero ngayon, go na ako. Kayang-kaya ko na,” lahad ng rumored girlfriend ni Aljur Abrenica.

Nakakaloka naman ang chika ni Cindy tungkol sa ginawa ng leading man niya sa pelikulang “Reroute” na si Sid Lucero habang kinukunan ang love scene nila sa loob ng sasakyan.

Ito yung hindi inaasahang paghuhubo’t hubad ni Sid sa nasabing eksena, “We had this kissing scene sa car kasi mag-asawa kami sa Reroute and then, wala talagang instruction si Direk (Lawrence Fajardo) na maghubad. Nakadamit talaga kami and you know what he did?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


“Kailangan niya na lumabas sa car kasi may nagpaputok (ng baril). Lumabas siya ng car na nakahubad. Why? Kasi hindi raw niya mahanap yung shorts niya. So wala siyang pakialam.

“Everyone was too shocked! ‘Oh, my God, bakit siya nakahubad?’ Siyempre, yung mga DOP (Director of Photography), siyempre lahat sila lalaki. Bigla silang na-surprise na bumaba siya sa car as in hubad-hubad.

“Tawanan sila nang tawanan. Hindi mo ine-expect na someone will do that. He’s that very professional actor. Wala siyang kiyeme. That’s too funny and that’s actually a happy moment for everyone.

“Hindi siya bastos to us, tuwang-tuwa lang kami. He’s gonna do everything. Ayaw niyang may ma-delay. Ayaw niyang ma-cut yung eksena. Ayaw niya akong pahirapan because we were in that kind of scene.

“So lumabas na lang siya na nakahubad kasi hindi niya mahanap yung shorts niya,” natatawa pang kuwento ni Cindy.

Samantala, tawa rin nang tawa si Angela nang ibahagi ang eksenang ginawa nila ni Sean de Guzman sa “Iskandalo”.

Talaga raw kinagat niya ang labi ni Sean nang ituluy-tuloy nito ang paghalik sa kanya kahit sumigaw na ng “Cut!” ang director nilang si Roman Perez, Jr..

“Nag-cut na si Direk and then humahalik pa siya. Ang ginawa ko, kinagat ko yung labi niya tapos sabi niya, ‘Direk kinagat niya yung labi ko!’

“Sabi ko, ‘Direk, nagka-cut na, nagki-kiss pa siya.’ Funny lang, siguro hindi niya narinig na cut!” chika ni Angela.

https://bandera.inquirer.net/309170/aj-raval-wala-nang-paki-sa-mga-iskandalo-pero-parang-nae-enjoy-ko-rin-po-yung-may-mga-isyu-isyu

https://bandera.inquirer.net/310416/5-bida-ng-iskandalo-type-maka-one-night-stand-sina-piolo-chris-hemsworth-harry-styles-channing-tatum

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/309430/sean-de-guzman-buong-araw-kinarir-ang-pakikipag-love-scene-grabe-nakakaubos-ng-lakas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending