Sean de Guzman buong araw kinarir ang pakikipag-love scene: Grabe, nakakaubos ng lakas! | Bandera

Sean de Guzman buong araw kinarir ang pakikipag-love scene: Grabe, nakakaubos ng lakas!

Ervin Santiago |March 30,2022
facebook
share this

Sean de Guzman buong araw kinarir ang pakikipag-love scene: Grabe, nakakaubos ng lakas!

Ervin Santiago - March 30, 2022 - 07:26 AM

Sean de Guzman at Christine Bermas

Sean de Guzman at Christine Bermas

HINDING-HINDI malilimutan ng sexy actor at Vivamax artist na si Sean de Guzman ang unang araw ng lock-in shoot nila para sa pelikulang “Island of Desire.”

Bukod nga sa Vivamax original series na “Iskandalo”, kasama rin siya sa sex-drama film na “Island of Desire” na idinirek ng award-winning filmmaker na si Joel Lamangan at pinagbibidahan din nina Christine Bermas at Jela Cuenca.

Mapapanood na ang “Island of Desire” simula sa April 1 habang sa April 10 naman ang streaming ng “Iskandalo” sa Vivamax.

Sa isang virtual mediacon naikuwento ni Sean na nawindang siya sa unang araw ng shooting niya para sa “Iskandalo” dahil sa mga ipinagawa sa kanya ng direktor nilang si Roman Perez, Jr.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sean De Guzman (@seandgman_)


“Day one ng Iskandalo, kagigising ko pa lang, kinakatok na ako ng isang production staff. First scene ako na kukunan then intimate scenes pa.

“Sabi ko, ang ganda ng almusal ko, tapos yung isang buong araw na yun, nakakapagod dahil puro love scenes yung ginawa ko. Nakaka-drain pala, nakakaubos ng lakas,” pahayag ng binata na game na game sa hubaran at sex scenes.

Samantala, natanong din ang sexy actor kung may kinasangkutan na siyang iskandalo tulad ng pamagat ng pinagbibidahan niyang digital series.

“Naiskandalo na rin po, pero hindi sex scandal. Hindi ko na pinatulan kasi hindi naman halata na ako yun. Hindi naman kita yung mukha ko. Ha-hahaha! Joke lang!” chika ni Sean.

“Sa mga ganyang scandal po na kumakalat, dapat hindi na po pinapatulan kasi, kumbaga, every week, may mga bagong scandal na lumalabas, so natatabunan!” ang tumatawa pa ring sagot ng binata.

“Pero seryoso, huwag na lang po sigurong ikalat o bago gawin yung isang bagay, pag-isipan po talagang mabuti kung ano yung kalalabasan kasi ikaw rin ang magsa-suffer,” ang seryoso na niyang sagot.

Matatandaang may kumalat na tsismis noong December, 2022 na may private video umano ang aktor na pinagpiyestahan ng mga netizens.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayong araw, March 30, ipinagdiriwang ni Sean ang kanyang 22nd birthday at isa raw sa mga wish niya ay ang magkaroon na ng sariling bahay.

AJ Raval wala nang paki sa mga iskandalo: Pero parang nae-enjoy ko rin po yung may mga isyu-isyu

AJ, Sean pangarap makasali sa mga international filmfest: Gusto naming mapabilib ang mga tao

AJ, Sean hindi na nagtakip ng private parts sa love scenes: Wala na kaming pakialam kung makita!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending