Jessie J buntis ulit, baby bump ibinandera sa socmed: I’m so happy and terrified | Bandera

Jessie J buntis ulit, baby bump ibinandera sa socmed: I’m so happy and terrified

Pauline del Rosario - January 08, 2023 - 04:38 PM
Jessie J buntis ulit, baby bump ibinandera sa socmed: I’m so happy and terrified

PHOTO: Instagram/@jessiej

PANIGURADONG masaya ang pagpasok ng 2023 para sa British pop singer na si Jessie J.

Inanunsyo niya kasi sa social media na siya ay nagdadalang-tao ulit matapos makunan noong 2021.

Sa Instagram, ibinandera ng singer ang isang video clip na ipinakita ang isang pregnancy test, pati na rin ang kanyang baby bump pictures.

Caption pa niya sa nasabing post, “I am so happy and terrified to finally share this… Please be gentle with me.

“Honestly, ya girl just wants to ugly cry in public in a catsuit eating a chocolate covered pickle with no questions asked.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessie J (@jessiej)

Maraming international celebrities at personalities naman ang nagpaabot ng “congratulatory” message sa sikat na singer.

Comment ng English singer-songwriter na si Ellie Goulding, “You look completely radiant and full of joy. Many congratulations my love.”

“When you told me—in my heart I’d heard I felt the most gratitude… you deserve this beyond belief,” sey naman ng Australian model na si Ruby Rose.

Lahad pa ng British singer na si Leona Lewis, “Aww congratulations mama so so happy for you (red heart emoji).”

Matatandaan noong November 2021 nang ibinalita ni Jessie J na siya ay nakunan matapos sumailalim sa ilang medical tests.

Hindi pa ibinubunyag ng singer kung sino ang ama ng dinadalang anak, pero nauna na niyang ibinahagi ang tungkol sa kanyang desisyon ng pagkaroon ng anak na sarili lamang niyang itataguyod.

Related chika:

Jessie Salvador hiyang-hiya kapag ipinakikilalang sisteraka ni Maja: Payo niya sa akin, ‘ibigay mo yung 1000% mo!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ethel Booba nabuking ang planong marriage proposal ng dyowa: Hindi ako sasagot ng yes, natatakot ako!

Rachelle Ann Go buntis ulit, excited na sa kanilang baby no. 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending