Ethel Booba nabuking ang planong marriage proposal ng dyowa: Hindi ako sasagot ng yes, natatakot ako! | Bandera

Ethel Booba nabuking ang planong marriage proposal ng dyowa: Hindi ako sasagot ng yes, natatakot ako!

Reggee Bonoan - April 06, 2022 - 06:44 PM

Jessie Salazar, Ethel Booba at Baby Michaela

TAWA nang tawa ang imbitadong members ng print media at vloggers sa mga kuwento nina K Brosas at Ethel Booba nang muli silang humarap sa face-to-face presscon.

Ang daming kuwento ng dalawang komedyana tungkol sa mga naging experience nila in life pati na rin sa bago nilang reality show sa TV5 na “Lakwatsika”.

Sila ang napiling hosts para sa bagong reali-talk ng Kapatid network na mapapanood na simula sa Abril 18, 11 a.m. mula Lunes hanggang Biyernes under Cignal Entertainment at Red Crane Studios.

Bukod sa mahusay silang mang-aawit ay pumuwesto na rin sila sa comedy bars as stand-up comedienne at nasubukan na ring umarte sa harap ng kamera, kaya multi-talented talaga sina Ethel at K na in real life pala ay parehong ayaw ng maingay.

Pambubuking ni K kay Ethel, “Almost pareho kasi kami ng ugali, ang iba lang, hindi siya nakakalabas ng kuwarto ng walang make-up, kailangan naka-make up siya at yung sa mata niya na parang ipis (false eyelashes). Ako naman wala akong pakialam kung ano ang itsura ko.”

Inamin din niya na pareho silang “Marites” lalo na raw ang partner at tatay ng anak ni Ethel na si Jessie Salazar na nandoon din pala sa studio habang isinasagawa ang launching ng “Lakwatsika”.

“’Yung asawa niya (Ethel), ‘yan ang numero unong nuknukan ng tsika,” sabi ni K.

Dagdag pa, “Nakakatuwa kasi ‘yung lagi mong kasama ‘yung asawa niya at ‘yung aking assistant na bestfriend na rin, sila lagi ‘yung magkatsika. Once ‘yung mga kasama mo ay super bestfriend na rin di ba kasama rin sila sa show namin kasi may mga kuha rin sila.”

Hindi naman daw sila nag-uusap  tungkol sa showbiz, “Walang echosan, hindi kami nagtsitsismisan tungkol sa showbiz,” sabi ni K.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ethyl Cayoca Gabison (@ethelbooba)


Hindi rin daw nila napag-uusapan kung sino ang iboboto nilang presidente dahil hindi sila nagtatanungan. “Alam ko before, (kandidato ni Ethel) pero ngayon hindi ko alam, no idea,” sambit ni K.

Anyway, puring-puri rin si Ethel ngayon ng mga katrabaho niya kumpara noong wala pa siyang anak dahil medyo luka-lukahan raw talaga dati ang komedya.

Naging part si Ethel ng reality show na “Extra Challenge” sa GMA 7 noong 2006 at ‘yung ibang taga-production ay kasama niya ngayon sa “Lakwatsika”. Puring-puri na siya ngayon ng mga ito.

“Siyempre dati ang dami kong kalokahan. Natutuwa naman ako kusa na lang na nabago dala na rin ng pagiging ina ko. Thank you at na-appreciate pala nila ‘yun,” reaksyon ni Ethel.

At dahil lilibutin nila ang buong Pilipinas para sa bago nilang show ay gusto nilang mapuntahan ang Batanes para kay K at Boracay naman for Ethel.

Bakit nga ba sa Boracay, tanong kay Ethel, “Kasi may condo naman ako roon, para makatipid na rin. Ha-hahaha!”

Tapos ibinuking ni DJ Chacha na baka gustong i-share na ni Ethel ang usapan nila ni Jessie tungkol sa pagpapakasal nila. Hindi kaagad nakasagot si Ethel ilang segundo rin siyang natahimik.

Sabay sabing, “Naku may magagalit! Kasi mama ko ayaw niya kay Jessie, charot!”

Pero kinlaro ni Ethel na hindi ngayong taon ang kasal nila ng partner. Sabay hirit ni K ng, “Puwedeng mag-engage muna sila? Pinangunahan na natin, sana mag-propose muna. Ha-hahaha! On the spot.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ethyl Cayoca Gabison (@ethelbooba)


Biro rin ni DJ Chacha, “Jessie ilabas na ang singsing.”

At dito na nga inamin ni Ethel na binilhan na siya ng singsing ng nobyo, “Bumili ng singsing. Hindi ko lang sinusuot,” pag-amin ni Ethel.

Sabay baling nina K at DJ Chacha kay Jessie na nasa loob ng studio kung nag-propose na siya.

“Hindi pa raw siya (Ethel) sumasagot,” tanong ni DJ Chacha.

Kuwento ni Ethel, “Nakita ko kasi tapos nagtatanong ng size. Ito lang (binili) bago tayo nag-shoot (Lakwatsika). Napag-usapan na ngayon naalalala ko kasi bigla.”

“So, hindi niya (Jessie) alam na nakita mo (singsing)?” tanong ni K.

“Oo. At nag-inquire pa ‘yan kung saan ikinasal sina Derek Ramsay at Ellen (Adarna). ‘Yung may bundok ba ‘yun? Anong feeling mo si Derek ka?!” pambubuking ni Ethel kaya napatayo ang boyfriend at akmang aalis na.

Masaya ba ang naramdaman ni Ethel nang makita niya ang singsing? “Actually, if ever, pangatlo ko na ito na may nag-propose sa akin,” seryosong sabi ni Ethel.

Naloka si K, “Hiyang-hiya naman ako, samantalang ako (wala)…I really have to go.”

“Hindi talaga ako nagsasabi ng yes, natatakot ako!” katwiran ni Ethel.

“Ako nga kahit sana ‘will you marry me?’ Oo agad ako sabay tanong, ‘who you?’  Basta ma-experience ko lang may mag propose,” tumawang sabi ni K.

Say naman ni DJ Chacha, “Baka dito natin ma-experience sa show Lakwatsika ang buhay ni Ethel.  Let’s wait and see.”

https://bandera.inquirer.net/279594/ethel-inalok-ni-bea-na-maging-surrogate-mother-ng-magiging-anak-magkano-ba-ibubudol-natin-yan

https://bandera.inquirer.net/294075/madam-inutz-ethel-booba-nagkabati-na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/291681/ethel-nasaktan-sa-inasal-ni-madam-inutz-kaya-napa-gawa-ng-tiktok-video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending