Jessie Salvador hiyang-hiya kapag ipinakikilalang sisteraka ni Maja: Payo niya sa akin, 'ibigay mo yung 1000% mo!' Bandera

Jessie Salvador hiyang-hiya kapag ipinakikilalang sisteraka ni Maja: Payo niya sa akin, ‘ibigay mo yung 1000% mo!’

Ervin Santiago |December 06,2022
share this

Jessie Salvador hiyang-hiya kapag ipinakikilalang sisteraka ni Maja: Payo niya sa akin, ‘ibigay mo yung 1000% mo!’

Ervin Santiago - December 06, 2022 - 08:11 AM
Jessie Salvador hiyang-hiya kapag ipinakikilalang sisteraka ni Maja: Payo niya sa akin, 'ibigay mo yung 1000% mo!'

Maja Salvador at Jessie Salvador

NAHIHIYA at naiilang pa rin ang baguhang aktres na si Jessie Salvador kapag ipinakikilala siyang kapatid ni Maja Salvador.

Sa mga hindi pa masyadong aware, si Jessie ay kapatid ni Maja sa ama at isa rin siya sa mga bagong talent ng Crown Artist Management na pag-aari ni Maja.

Knows n’yo ba na 2013 pa unang nag-try ang dalaga sa mundo ng showbiz pero ngayon lang siya talaga nakikilala. Nag-extra rin daw siya sa ilang TV show noon.

“Dati pa po ako sumusubok mag-showbiz hindi lang po talaga nagwo-work. Baka hindi talaga siya para sa akin, ganun po yung pumapasok sa isip ko. Nag-i-extra pa nga po ako dati sa MMK (Maalaala Mo Kaya).

“And then naisip ko na lang na mag-aral na lang ako. Pagka-graduate ko po ito na po, may Crown Artist Management na,” ang pahayag ni Jessie sa panayam sa kanya ng media kamakailan sa presscon ng TV5.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessie Salvador (@itsjessiesalvador)


Never daw niyang ginamit ang pangalan ng ate niyang si Maja nang subukan niyang sumabak sa showbiz.

“Hindi naman sa umiiwas sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao, kasi siya din naman ang nagsasabi na huwag ko raw iisipin ang sasabihin nila, ‘Basta si ate (sinasabi niya) nandito lang ako palagi.’

“Dati po, yung iba sinasabi talaga na, ‘Bakit hindi mo gamitin yung pangalan ng sister mo?’ Parang hindi siya tamang gawin ko. Ayoko talaga. Kasi okey kayo, eh, at baka dahil doon masira yung pagiging magkapatid n’yo,” ani Jessie.

Agad namang nilinaw ng dalaga na gustung-gusto siyang tulungan ni Maja kahit noon pa, “Oo, willing po, sobra po. Kaya ito po ngayon sa Crown parang dedma na talaga ako sa maririnig ko. ‘Okey ka lang ba? Pag pinapakilala kang sister ni Maja Salvador?’ Siyempre okay na okay yon, pero medyo nakakahiya pa rin.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MAJA (@maja)


“Kung gaano ako kasaya mas masaya si ate. Nakakaiyak kasi nakaka-proud lang. Sobrang saya ko,” ang maluha-luhang pahayag ng dalaga.

Ang payo raw sa kanya ni Maja, “Lagi niya lang pong sinasasabi sa akin na, kapag nandiyan ka na, nasa stage ka na or nasa set ka at may palabas kang gagawin ibigay mo yung one thousand percent mo.’ Kasi di ba, hindi rin natin alam kung kailan yung next.”

Samantala, tungkol naman sa lovelife, “Wala po kasi akong love life ngayon. Pero if ever naman po na magkakaroon ako ng lovelife for sure po hihingi rin ako ng advice kay ate.”

“Kahit po ako mismo fan ako, eh. Pinapanood ko po lahat ng ginagawa niya, si Lily Cruz (karakter ni Maja sa Wildflower), kasi sobrang fan na fan po talaga ako ni ate.

“Every time nga po kapag nakikita ko siya nahihiya pa rin ako. ‘Hi ate,’ tapos sabi niya, ‘Hoy, ano ka ba?’ May ganu’n siya lagi. Ten years po kasi ang gap namin,” dugtong pa niya.

Tita ni Maja na nagpa-kidney transplant at gumaling sa cancer, namatay dahil sa COVID

Maja tinanggihang makatambal si Gerald sa ‘Init Sa Magdamag’, respeto lang daw kay Rambo

Ethel Booba nabuking ang planong marriage proposal ng dyowa: Hindi ako sasagot ng yes, natatakot ako!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending