Rachelle Ann Go buntis ulit, excited na sa kanilang baby no. 2 Bandera

Rachelle Ann Go buntis ulit, excited na sa kanilang baby no. 2

Therese Arceo |December 02,2022
share this

Rachelle Ann Go buntis ulit, excited na sa kanilang baby no. 2

Therese Arceo - December 02, 2022 - 06:49 PM

Rachelle Ann Go buntis ulit, excited na sa kanilang baby no. 2
PANIGURADONG masaya ang pagpasok ng Disyembre para sa singer na si Rachelle Ann Go at asawa nitong si Martin Spies.

Isang blessing na naman kasi ang darating sa kanila dahil magkakaroon na ng kapatid ang kanilang panganay na anak.

Sa Instagram account nga ni Rachelle Ann ay ibinahagi nito ang pagkakaroon nila ng ikalawang anak.

“Hello December! Hello Baby #2,” saad niya sa caption.

Matatandaang nitong Marso lang nang i-celebrate nila ng kanyang asawa ang 1st birthday ng panganay nilang si Lukas at ngayon nga ay magiging kuya na ito.

Marami naman sa kanilang mga kaibigan sa industriya ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa bagong blessing na darating sa pamilya ng mang-aawit.

“Huwat? Congrats!” komento ni Mark Bautista.

Saad naman ni Yeng Constantino, “Congraaaaats Shiiiin!!!!!”

“Congrats Shin and Martin!! Aww what a Christmas gift,” sey naman ni Sitti Navarro.

Noong Enero lang rin nang dalhin ng mang-aawit ang kanilang panganay na si Lukas sa Pilipinas.

Sa ngayon ay naninirahan ang mag-anak sa London ngunit base sa larawang kanilang ibinahagi ay kasalukuyan silang nasa Capetown, South Africa.

April 2018 nang magpakasal si Rachelle Anne sa kanyang asawang si Martin sa Boracay.

Related Chika:
Rachelle Ann nag-panic, naiyak habang nagpapadede kay Baby Lukas: He choked and turned blue!

Rachelle Ann isinilang na ang baby nila ni Martin Spies; ipinaliwanag ang pangalan ng anak

Rachelle Ann nag-enjoy sa panganganak: I cannot believe we did it!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending