Rachelle Ann isinilang na ang baby nila ni Martin Spies; ipinaliwanag ang pangalan ng anak | Bandera

Rachelle Ann isinilang na ang baby nila ni Martin Spies; ipinaliwanag ang pangalan ng anak

Ervin Santiago |March 31,2021
facebook
share this

Rachelle Ann isinilang na ang baby nila ni Martin Spies; ipinaliwanag ang pangalan ng anak

Ervin Santiago - March 31, 2021 - 02:01 PM

ISINILANG na ni Rachelle Ann Go ang panganay na anak nila ng asawang si Martin Spies.

Last Friday pa, March 26, nanganak ang Kapuso singer at international theater actress ngunit kahapon lamang ito in-announce ng mag-asawa sa publiko.

Ibinahagi ni Rachelle sa Instagram ang isang litrato kung saan kalung-kalong niya ang baby kasama si Martin.

Pinangalanan nila ang sanggol ng “Lukas Judah Spies.” Paliwanag ng singer-actress, ang meaning ng Lukas ay “bringer of light” habang “Judah” naman ay  “praised” o “let Him be praised.”

Ilan sa mga celebrities na bumati sa first time mommy ay sina Marian Rivera, Glaiza de Castro, Pauleen Luna, Bea Alonzo, Charo Santos, Jona Viray, Mark Bautista, Maricris Garcia, Aicelle Santos, Jed Madela at marami pang iba.

Sa United Kingdom na naninirahan ngayon si Rachelle Ann kasama ang asawa. Ikinasal sila noong April, 2018.

Ibinandera naman ni Rachelle noong November, 2020, na magiging mommy na siya kasabay ng pag-amin na inaatake na rin siya ng takot.

Sabi pa niya sa isang Instagram post, “If you asked me a few months ago when are we going to have a baby, I will always tell you that I’m not ready yet and maybe next year.

“When everything shut down here, I felt like maybe this is the right time to start a family. I kept looking at baby videos! It was so weird because I know I was too scared to give birth.

“Also, I was reluctant to pray for it because what if I’m not ready to be a mama yet?! I had to make sure I was ready because in my experience, every time I ask God for something He usually gives it right away,” sabi pa ng singer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending