LJ Reyes wala pang balak bumalik sa Pinas; ginagawa ang lahat para maging mabuting single mom
MUKHANG matatagalan pa nga ang pagbabalik sa Pilipinas ng Kapuso actress na si LJ Reyes na kasalukuyang nakabase ngayon sa Amerika kasama ang dalawang anak.
Maraming fans ang nagtatanong kung posible bang mapanood uli nila ang award-winning actress sa telebisyon at pelikula dahil matagal-tagal na nga siyang wala sa limelight.
Pero sa itinatakbo nga ng mga pangyayari, wala pang balak si LJ na bumalik sa bansa dahil sa Amerika na ngayon nag-aaral ang mga anak niyang sina Ethan Akio (anak niya kay Paulo Avelino) at Summer Ayana (anak niya kay Paolo Contis).
Sa latest Instagram account ng Kapuso star, ibinahagi niya ang ilang kaganapang nangyari sa pagbabakasyon nilang mag-iina kamakailan bago ang back-to-school ng mga bata ngayong buwan.
Ayon kay LJ, super happy siya dahil nabigyan na naman siya ng pagkakataon na makapag-spend ng quality time with Aki and Summer. Mapapanood sa video na ipinost ng aktres ang bonding moments nila sa isang indoor water park.
“Glad to have been blessed to enjoy a water park before they head back to school,” simulang pagbabahagi ni LJ sa kanyang IG followers
View this post on Instagram
Dugtong pa ng ex-partner ni Paolo Contis at proud single mom, “Kahit na may blocking kami. Summer and mommy time muna then Aki and mommy! Siyempre mayroon din altogether.
“But they have a big gap that they have different interests in activities, and I want to enjoy with them the way they like it,” aniya pa.
Sa isang panayam ipinagdiinan ni LJ na sa pagdedesisyon niya sa buhay, palagi niyang kino-consider ang kapakanan nina Aki at Summer.
“I always pray about our life, the decisions that I have to make for clarity, for purpose, for His grace, and for His mercy, and then, of course, I would consider what would be beneficial to them.
“All your decisions cannot be based on your needs and wants alone. Your kids will always be your priority. So parang laging package deal, but they always come on top,” sabi ng aktres.
Aniya pa, “I want to be honest with them and transparent with them because I want them to be the same towards me.
“I want them to feel like no matter what is happening around the world, around us, that I will be the constant foundation that they have, constant support, constant love that they have,” lahad pa ni LJ Reyes.
Matatandaan na noong September, 2021, ay lumipad si LJ patungong Amerika kasama ang mga anak matapos silang maghiwalay ni Paolo Contis.
Sey mo Paolo, LJ excited nang mag-Pasko sa US: Can’t wait to celebrate Jesus with a renewed heart!
Paolo Contis balak bisitahin si Summer; deadma sa interview ni LJ
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.