Slater Young kumasa sa 'Ting Ting Tang Ting' dance challenge | Bandera

Slater Young kumasa sa ‘Ting Ting Tang Ting’ dance challenge

Therese Arceo |December 24,2022
facebook
share this

Slater Young kumasa sa ‘Ting Ting Tang Ting’ dance challenge

Therese Arceo - December 24, 2022 - 09:18 PM

Slater Young kumasa sa 'Ting Ting Tang Ting' dance challenge
ALIW na aliw ang mga netizens sa “Pinoy Big Brother: Unlimited” Big Winner na si Slater Young dahil sa pagsayaw nito ng isa sa mga famous TikTok songs na “Ting Ting Tang Ting”.

Sa Instagram nga ay ibinahagi ng asawa niyang vlogger at social media influencer na si Kryz Uy ang video nila habang nagsasayaw kasama si Eruption pati na rin ang iba pa nilang mga kaibigan.

Pagbabahagi ng vlogger, ito raw ay ang regalo ni Slater sa kanya ngayong darating na Pasko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kryz (@kryzzzie)

“I am one happy laughing wifey. Support niyo naman guys, umeffort talaga siya,” sey pa ni Kryz.

Umani naman ng magaganda at nakakatuwang komento ang naturang IG post nina Slater.

Sey ni Eruption na kasama nila sa video, ““HAHA WE LABYU TALAGA BRO!!! PERO SA TOTOO LANG BRO, YOU EXCEEDED ALL OUR EXPECTATIONS! GGWP!”

Sa sobrang aliw ng mga netizens ay nabanggit rin ng mga ito ang panganay na anak nina Slater at Kryz na si Scottie Knoa o mas kilala ng mga netizens bilang si Scottie Boo.

“HAHAHAHA grabe ang bilis lumaki ni scottiebooo,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Scottie really got all the moves from his dad.”

“NO! THIS IS SCOTTIE DANCING NOT SLATERRRR!” sey pa ng isa.

Matatandaang kamakailan lang nang mag-post ito sa kanyang Instagram account ng video kung saan todo emote ito at tila problemado.

“Yung tipong hirap ka na maghanap ng best Christmas gift para sa asawa mo kasi meron na siyang ikaw,” caption ni Slater sa video.

Aliw na aliw naman ang mga netizens maging ang mga celebrities sa kalokohan ng dating “PBB” housemate.

“Kaasar!!!” saad ni Iya Villania.

Sey naman ni Maris Racal, “Samookaaaaa!”

Related Chika:
Bakit nga ba bigla na lang nilayasan ni Slater Young ang showbiz, anyare?

Kryz Uy binalaan ang publiko laban sa scammer, poser na gumagamit sa pangalan niya sa YouTube

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Slater Young nabiktima na rin ng Akyat-Bahay; nagbigay ng home security tips

Kryz Uy, Slater Young magkaka-baby no. 2 na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending