Kryz Uy, Slater Young magkaka-baby no. 2 na! Bandera

Kryz Uy, Slater Young magkaka-baby no. 2 na!

Therese Arceo |November 25,2021
share this

Kryz Uy, Slater Young magkaka-baby no. 2 na!

Therese Arceo November 25, 2021 - 01:37 PM

Kryz Uy, Slater Young magkaka-baby no. 2 na!

ISANG nakakatuwang balita ang ibinahagi ng Cebu-based lifestyle vlogger na si Kryz Uy nang aminin nito na magkakaroon na sila ng baby no. 2 ng ex “Pinoy Big Brother Unlimited” Big Winner Slater Young.

Ito ay ibinahagi ni Kryz sa kanyang YouTube vlog kahapon, November 24.

Aniya, hindi niya ine-expect na magiging positive ang resulta ng pregnancy test na ginawa niya noong October 4.

“Slater and I, we aren’t really planning to have a second kid. I can’t find the right words.

“I’m laughing because Slater and I actually had a conversation earlier today and I said, ‘I think I am not pregnant because I’m getting all of these period cramps and period pains.’”

Dagdag pa ni Kryz, takot daw siya na magkaroon ng isa pang babu dahil sa COVID-19 pandemic.

“It’s still [a] pandemic. I’ll have two kids during a pandemic so I can’t really tell the difference, like how easy it would have been otherwise, but this is a completely different reaction to my first pregnancy discovery.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kryz (@kryzzzie)


At dahil nga excited siyang ibahagi ang good news kay Slater ay nag-isip muna siya kung surprise kung paano ito ipapaalam sa asawa.

Sa huli ay pinili na lamang niya na kuhaan ng litrato ang kanyang sarili habang hawak ang pregnancy test pagkatapos ay inilagay niya ito sa isang box na may note.

“I know what this is,” masayang saad ni Slater.

“Scottie! You’re gonna [have] a baby brother!” dagdag pa niya.

Amin ni Slater, nase-sense na niya kung ano ang ibabalita ni Kryz.

“I kind of knew na. [Because] why would you give me a random thing with a camera?” saad ni Slater habang ipinapakita ang litrato at pregnancy test sa kanilang panganay na si Scott.

2019 nang ikasal ang sina Slater at Kryz sa Cebu. June 2020 naman nang ipanganak ang kanilang first child na si Scott Knoa.

Related Chika:
Slater Young nabiktima na rin ng Akyat-Bahay; nagbigay ng home security tips
Slater trending dahil sa Korean series na ‘Squid Game’; Carlo nanghinayang sa naudlot na role

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending