Slater Young, Kryz Uy magkaka-baby no. 3 na

Slater Young, Kryz Uy magkaka-baby no. 3 na: ‘A Christmas miracle indeed!’

Pauline del Rosario |December 25,2023
facebook
share this

Slater Young, Kryz Uy magkaka-baby no. 3 na: ‘A Christmas miracle indeed!’

Pauline del Rosario - December 25, 2023 - 11:01 AM

Slater Young, Kryz Uy magkaka-baby no. 3 na: 'A Christmas miracle indeed!'

PHOTO: Instagram/@kryzzzie

LOOKING forward na ang married celebrity couple na sina Slater Young at Kryz Uy para sa taong 2024!

Excited na kasi sila para sa magiging bagong miyembro ng kanilang pamilya – ang third baby nila.

Ang masayang balita ay inanunsyo ng couple sa pamamagitan ng YouTube vlog, pati na rin sa isang Instagram post noong December 24.

Paglalarawan ng fashion vlogger, isa itong “Christmas miracle.”

“A Christmas miracle indeed [emojis] happy holidays from our growing family to yours!” caption niya sa IG.

Baka Bet Mo: Kryz Uy binalaan ang publiko laban sa scammer, poser na gumagamit sa pangalan niya sa YouTube

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kryz (@kryzzzie)

Sa vlog, inamin ni Kryz na hindi talaga nila expected na magkaka-baby pa ulit sila ni Slater kaya naman tuwang-tuwa silang mag-asawa nang malaman ang good news.

“We really only wanted two. We were so happy, but if the Lord says, ‘You deserve more,’ you can’t fight nature,” sey ng celebrity mom habang tumatawa.

Chika niya, “I thought I was done at two. I already donated everything. I thought we were done and here we are again.”

“Merry Christmas gift daw sa akin ni Slater ‘yung baby,” ani pa ng fashion vlogger.

Ibinunyag din ni Kryz na naging “bittersweet” ang naging reaksyon niya nang malaman na siya ay nagdadalang-tao.

Paliwanag niya, bagamat masayang-masaya siya na magkaroon ulit ng baby ay natatakot din daw siya at the same time dahil kailangan niya ulit pagdaanan kung ano ang mga karanasan niya sa last pregnancy niya.

Si Slater din ay aminado na natatakot siya para sa kanyang misis, pati na rin sa well-being nito dahil alam niyang life-changing ito sa mga ina.

“But at the end of the day, I feel like blessing pa rin talaga,” sey ng aktor.

Dagdag niya, “I feel like there’s going to be a lot more happy noise around the house.”

Nabanggit din ng mag-asawa na plano nilang palakihin pa ang kanilang bahay para sa pagdating ng kanilang ikatlong baby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Taong 2019 nang mag-isang dibdib sina Kryz at Slater sa isang garden ceremony sa Cebu.

Ang una nilang anak na si Scottie ay isinilang noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic taong 2020, habang ang sumunod na si Sevi ay noong nakaraang taon lamang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending