Kryz Uy, Slater Young may marriage advice sa madlang pipol: Give 5 second hugs
SA kabila ng kaliwa’t kanang isyu ng cheating at paghihiwalay ay nanatiling matatag ang relasyon ng mag-asawang Slater Young at Kryz Uy.
Well, isa ang social media couple sa mga hinahangaan at talagang sinusuportahan ng mga netizens dahil sa kabila ng kanilang matagal na relasyon at pagkakaroon ng dalawang anak ay name-maintain ng mga ito ang “kilig” sa kanilang pagsasama.
Sa katunayan, binansagan sina Slater at Kryz bilang “Most Unproblematic Couple” na dapat raw i-follow dahil bukod sa magandang example ang kanilang pamilya ay marami ring words of wisdom ang dalawa.
Sa kasagsagan nga ng isyung hiwalayan ay naglabas ang mag-asawa ng “best marriage advice” na isa sa dahilan kung bakit matibay ang kanilang samahan.
“Give five second hugs when you wake up in the morning or at random times of day,” sey ni Kryz kalakip ang video nila ni Slater.
“A five second distraction won’t make you late for work but it will do wonders for your relationship,” pagpapatuloy pa niya.
View this post on Instagram
Aniya, “Never miss the opportunity to make your partner feel loved.”
Marami naman ang nag-react at nag-agree sa payo ng ni Kryz.
“This applies not to married couples only but to everyone in partnership or in relationship.”, saad ng isang netizen.
Comment naman ng isang fan, “Slater Young, Patron Saint of Proving Loyal Male Exists In the World, Pray For Us.”
“My husband and I, do this as much.. when we woke up in the morning, random times throughout the day and before closing our eyes.. 11 years married,” hirit pa ng isa.
Related Chika:
Kryz Uy binalaan ang publiko laban sa scammer, poser na gumagamit sa pangalan niya sa YouTube
Slater Young, Kryz Uy nasalanta ng bagyong Odette, nanawagan ng karagdagang tulong
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.