Kryz Uy binalaan ang publiko laban sa scammer, poser na gumagamit sa pangalan niya sa YouTube
BUKING agad ang modus ng isang scammer na nagtangkang makapambiktima sa mismong YouTube account ng content creator na si Kryz Uy.
Naloka ang asawa ng dating aktor at former “Pinoy Big Brother” housemate (Big Winner) na si Slater Young nang mabasa ang tangkang panloloko ng scammer sa kanyang mga subscribers sa YouTube.
In fairness, more than 1 million na ang subscribers ng Cebu-based mom kaya naman talagang siya ang tinarget ng nabisto niyang pekeng YouTube account.
Mariing pinabulaanan ni Kryz sa pamamagitan ng kaniyang Instagram stories ang isang ipinost na announcement ng fake YouTube account.
View this post on Instagram
Ang nakasaad sa post ng naturang poser ay, “Text me on telegram @kryzzzie1” na aktibong nag-reply sa ilang nagkomento sa pinakahuling vlog ng Skyfam.
“Thanks for watching and commenting. You are among our shortlisted winners. DM to claim your prize now,” ang mensahe pa ng scammer na nagpanggap na si Kryz.
Nang malaman ang naturang modus, agad na nag-warning ang YouTuber sa Skyfam (tawag sa kanyang subscribers), laban sa scammer.
Babala niya, “Please do not get scammed. This is not me and it’s not legit.” Tinawag din ni Kryz na “scam” ang ipinost ng poser.
Matatandaang ginamit na rin ng isang sindikato ang pangalan ni Kryz noong Hulyo. Ilang brand ng toddler products online ang gumamit hindi lang sa kanyang pangalan kundi pati ang mga litrato ng anak nila ni Slater na si Scottie.
Babala ni Kryz sa publiko, “I don’t sell anything to my fans and I never pay to boost my posts. Most importantly, ‘wag niyo isama ang anak ko sa scam niyo!!”
Halos lahat ng video sa YouTube ni Kryz ay tungkol sa buhay niya bilang wifey ni Slater at mommy kina Scottie at Sevi.
https://bandera.inquirer.net/298613/kryz-uy-slater-young-magkaka-baby-no-2-na
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.