Kryz Uy ipinanganak na ang kanilang baby no. 2 ni Slater: He made it! | Bandera

Kryz Uy ipinanganak na ang kanilang baby no. 2 ni Slater: He made it!

Therese Arceo |May 26,2022
facebook
share this

Kryz Uy ipinanganak na ang kanilang baby no. 2 ni Slater: He made it!

Therese Arceo - May 26, 2022 - 09:23 PM

Kryz Uy ipinanganak na ang kanilang baby no. 2 ni Slater: He made it!

EMOSYONAL ang social media influencer at vlogger na si Kryz Uy habang ibinabahagi nito ang kanilang pag-welcome sa 2nd baby na binansagan niyang “our lucky baby”.

Ibinahagi nila ng asawang si Slater Young sa kanyang YouTube vlog ang naging journey nila nitong Miyerkules, May 25.

Dito ay ipinakita ni Kryz ang kanyang mga naramdamang contractions, pagle-labor, at ang mismong panganganak nito sa kanilang ikalawang baby.

“He made it. He’s here ,” saad ni Kryz.

Dagdag pa niya, “So happy to finally welcome Baby # 2 into the Skyfam. There were some complications in the end, but God is good and made sure we were all safe and sound.”

Kumpara raw sa unang experience ni Kryz sa panganganak ay less painful daw ang recent panganganak niya kaysa noong ipanganak niya ang panganay na si Scottie.

“I don’t know if it’s just mentally lang na mas prepared ako or less painful talaga siya,” pagbabahagi ni Kryz.

Nag-post na rin ang vlogger sa kanyang Instagram account.

“Finally met our lucky little baby boy. Thankful for such a positive birth experience and to my doctors, nurses and midwives for never leaving my side and taking such good care of me and baby!

“We can’t wait to start another crazy adventure with this little guy,” pagbabahagi ni Kryz.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kryz (@kryzzzie)

 

Umulan naman ng congratulatory message para sa mag-asawa dahil sa pagdating ng bagong miyembro ng Skyfam.

Matatandaang noong Nobyembre 2021 nang kumpirmahin ni Kryz sa kanyang YouTube vlog na nagdadalangtao ito sa kanilang 2nd baby nakalaunan ay nalaman nila na isang baby boy ulit ang kanilang magiging anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kryz Uy nagreklamo sa medical technologist na kumuha ng blood sample ng anak, pero nag-sorry din agad

Kryz Uy, Slater Young magkaka-baby no. 2 na!

Slater Young, Kryz Uy nasalanta ng bagyong Odette, nanawagan ng karagdagang tulong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending