Kryz Uy, Slater Young ibinandera ang ika-3 anak

Kryz Uy, Slater Young ibinandera ang ika-3 anak: Our baby Saxon Kent!

Pauline del Rosario - July 01, 2024 - 11:22 AM

Kryz Uy, Slater Young ibinandera ang ika-3 anak: Our baby Saxon Kent!

PHOTO: Instagram/@kryzzzie

NANGANAK na si Kryz Uy sa baby number three nila ni Slater Young!

Ang magandang balita, ibinandera ng celebrity couple sa kani-kanilang social media account.

Sa Instagram, mapapanood ang isang video compilation ng panganganak ni Kryz, pati na rin ang pasilip nila sa naging “first night” ng kanilang newborn baby sa kanilang bahay.

“Welcome to the world, our baby Saxon Kent,” caption ng YouTuber habang ipinapakilala sa publiko ang pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya.

Dagdag pa niya, “We are so so so happy to meet you.”

Baka Bet Mo: Kryz Uy, Slater Young may marriage advice sa madlang pipol: Give 5 second hugs

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kryz (@kryzzzie)

Sambit naman diyan ni Slater, “Welcome home Little Cute! Ang gulo na neto.”

Bukod diyan, naglabas din ng tila documentary si Kryz habang nagle-labor hanggang sa manganak sa ospital sa pamamagitan ng kanyang vlog na ipinost sa YouTube.

Kwento niya, nanganak siya noong June 22 at umaasa rin siya na ito na ang magiging bunsong anak nila ng mister.

“I’m so grateful for baby no. 3 finally out joining our family. Hopefully, last na ‘to. Lord, ayoko na,” wika niya sa video.

Aniya pa, “Hopefully, for me, for my sake, this will be my last baby.”

Kung matatandaan, taong 2019 nang ikinasal sina Kryz at Slater.

Taong 2020 nang magkaroon sila ng panganay na anak na si Scottie at noong 2022 naman ang second child na si Sevi. 

Magugunita noong December last year nang ibinandera ng celebrity couple na magkakaroon na sila ng ikatlong baby at nitong Enero nang mangyari ang kanilang gender reveal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending