Slater trending dahil sa Korean series na ‘Squid Game’; Carlo nanghinayang sa naudlot na role
TRENDING ngayon ang ex-Pinoy Big Brother housemate at Big WInner na si Slater Young dahil sa hit Korean series na “Squid Game”.
Marami kasi sa mga netizens ang nakapansin ng pagkakahawig ng dating housemate ni Kuya sa bida ng series na si Lee Jung-jae.
Sinakyan naman niya ang trip ng mga netizens at nag-post pa ng picture niya habang nanonood ng nasabing series.
“Thank you so much for supporting Squid Gane! Trending tayo guys!” Saad ni Slater.
Mas marami tuloy ang nakapansin at nag-agree sa kanilang pagiging look-alikes lalo na’t parehas na parehas ang nguti nila sa picture.
“Di mo kami maloloko, Slater,” comment ng isang netizen.
“Slater Young and Slater Old,” biro naman ng isa pa.
Ilan pa sa mga netizens ang nag-request ng season 2 sa Cebu-based businessman.
Samantala, labis ang panghihinayang ng aktor na si Carlo Aquino dahil sa naudlot nitong role sa “Squid Game” dahil sa COVID-19 travel restrictions.
Sa kaniyang Instagram story, ibinahagi nito ang isang litrato ng sulat mula sa direktor ng series na si Hwang Dong-Hyuk na kuha noong 2020.
Agad naman siyang dinamayan ng partner na si Trina Candaza at sinabing, “I’m still proud of you @jose_liwanag! Isipin ko nalang ikaw si Ali.”
Infairness, bagay nga kay Carlo ang role ni Ali na ginampanan ng Indian actor na si Anupam Tripathi.
Mukha namang magkakaroon ng season 2 ang nasabing series base na rin sa naging ending nito kaya sana ay maging bahagi na ang aktor kung sakaling mangyari ito.
Ang ‘Squid Game” ay isang drama survival Korean series kung naglaban laban ang mga tao at isinaalang-alang ang kanilang mga buhay kapalit ng malaking halaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.