Vice Ganda nakaramdam ng pressure habang ginagawa ang pelikulang 'Partners in Crime' | Bandera

Vice Ganda nakaramdam ng pressure habang ginagawa ang pelikulang ‘Partners in Crime’

Alex Brosas |December 23,2022
facebook
share this

Vice Ganda nakaramdam ng pressure habang ginagawa ang pelikulang ‘Partners in Crime’

Alex Brosas - December 23, 2022 - 07:09 PM

Vice Ganda nakaramdam ng pressure habang ginagawa ang pelikulang 'Partners In Crime'
NAG-SHARE ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda ng trivia about herself sa isang post sa Instagram account na @vicey_queen.

Isa-isang sinagot ni Vice Ganda ang mga tanong sa kanya like ano ang four hair essentials, to which she answered, “shampoo, conditioner, spray net.”

Sa tanong naman na about three LGBTQ icons, she mentioned “Maricel Soriano, Ru Paul and myself.”

Sa tanong naman na three things she can’t leave the house with, ang sagot ng It’s Showtime host ay, “cellphone, money, outfit.”

When asked about the three gifts na ibinigay sa kanya ng dyowang si Ion, ito naman ang sagot ni Vice Ganda, “my ring, sneakers and massage chair.”

Incidentally, sa presscon ng “Partners In Crime” ay binanggit ni Vice Ganda na may konting pressure to make a movie intended for the Metro Manila Film Festival.

“Alam mo ang pressure talaga ay kung paano naming matatapos ang movie. Pero ang talagang naubos yung energy naming, lahat ng kakayanan naming ay kung papaano tatapusin ang pelikula.

“Mahirap gumawa ng pelikula ngayon kasi nasa pandemya pa rin tayo. Ang daming pamantayan, ang daming protocols, ‘di ba?” paliwanag niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

“Kung dati mahirap lang, mas mahirap ngayon. At considering the saka fact na walang masyadong pera ang kompanya namin dahil wala kaming franchise. Lumiit ‘yung budget. Sa simula pa lang ay gising na kami sa ganoon na hindi kasing laki ng budget na ini-spent naming dati. Maraming factor kung kaya nagging mahirap ang pagbuo naming ng pelikulang ito. We were really pressed and pressured. Iyon ang mga una naming hinarap.

“Ngayon pa lang pumapasok ‘yung, ‘paano kaya babalik ang mga tao sa sinehan?’ nagawa na naming ang trabaho namin. Natapos na namin ang pelikula at maganda ang pelikulang nagawa namin. Kailangan lang naming i-push pa to promote para makumbisi ang mga tao na ‘tara labas tayo’” dagdag pa niyang paliwanag.

Related Chika:
Vice Ganda nagpaayos ng ngipin sa halagang P500k: Kapag nabuo ito, P1-M worth of smile talaga!

Vice Ganda umatras daw sa Idol Philippines dahil kay Sarah; inirekomenda si Chito Miranda

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda sa mga dating nakasama sa ‘Showtime’: Bago tayo nagalit sa isa’t-isa, bago tayo nawatak, nagmamahalan tayo

Hugot ni Vice Ganda sa grand finals ng ‘Idol PH’ patutsada ba kay Zephanie Dimaranan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending