#NamamaskoPo: Mahigit 300,000 pamilya sa Misamis Occidental nabigyan ng ‘Noche Buena’ packs
NAPASAYA ng provincial government ng Misamis Occidental ang kanilang mga residente.
Namigay kasi sila ng grocery gift packs para sa noche buena (Christmas Eve) at media noche (New Year’s Eve) ng libo-libong pamilya
Sa inilabas na pahayag ng provincial government, aabot sa 320,000 na pamilya ang nakinabang sa gift distribution.
Ayon sa pahayag, namigay ng grocery packs si Gov. Henry Oaminal Sr. para sa 180,000 families, nag-donate ng 100,000 food packs si Rep. Ando Oaminal, at 40,000 families naman ang nabigyan ni Ozamiz City Mayor Indy Oaminal Jr.
Ayon sa alkalde ng Ozamiz, ginawa nila ito upang hindi na mamroblema ang kanilang mga kababayan sa kanilang magiging handa ngayong darating na Pasko at Bagong Taon.
“We want every Misamisnon to not have to worry about where and how they will get their noche buena and media noche feast,” saad ni Oaminal Sr.
Sa pamamagitan daw nito ay mas mae-enjoy ng bawat pamilya ang gagawing pagdiriwang ngayong holiday season.
“Easing them of this burden will give them the opportunity to enjoy the festivities of this blessed holiday with their families,” sabi pa ni alkalde.
Read more:
#NamamaskoPo: QC, Manila, Makati namigay na rin ng Christmas food packs
#NamamaskoPo: Pasig City nag-umpisa nang mamigay ng Christmas food packs
#SanaAll: Mga empleyado ng gobyerno bibigyan ng rice allowance, P20k bonus
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.