PBBM pinaiimbestigahan ang pagpaslang sa radio announcer: ‘Attacks on journalists will not be tolerated!’
KINOKONDENA ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagpaslang sa radio announcer sa Misamis Occidental.
Noong November 5 nang pinagbabaril ang biktima na si Juan Jumalon o mas kilala bilang si “Johnny Walker” ng 94.7 Calamba Gold FM habang on-air sa kanyang programa.
Ang karumal-dumal na pangyayari ay nakunan mismo sa Facebook live stream video ng nasabing istasyon, ngunit ito ay burado na.
Dahil diyan, agad na inutusan ng presidente ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng masusing imbestigasyon.
“I condemn in the strongest terms the murder of broadcaster Juan Jumalon. I have instructed the PNP to conduct a thorough investigation to swiftly bring the perpetrators to justice,” saad ni Pangulong Marcos sa kanyang X (dating Twitter) account.
Baka Bet Mo: Resbak ni Pia sa nagsabing tinitira nila si Catriona: Wala akong attack dogs…tanggalin mo na yang pait sa puso mo
Sey pa niya, “Attacks on journalists will not be tolerated in our democracy, and those who threaten the freedom of the press will face the full consequences of their actions.”
Bukod sa utos ng chief executive, nanawagan din ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa PNP na bumuo ng special investigation task group para imbestigahan ang kaso.
Ayon pa executive director ng PTFoMS na si Paul Gutierrez, maaaring “work-related” ang naging motibo ng suspek.
Kinondena rin ng National Union of Journalists in the Philippines chair na si Jonathan De Santos ang brutal na pagkamatay ni Jumalon.
Ayon sa kanya, ito ang ika-199 na mamamahayag na pinatay mula nang maibalik ang demokrasya noong 1986 at ang ika-apat sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Read more:
7 pulis patay, 22 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa Misamis Oriental
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.