#SanaAll: Mga empleyado ng gobyerno bibigyan ng rice allowance, P20k bonus | Bandera

#SanaAll: Mga empleyado ng gobyerno bibigyan ng rice allowance, P20k bonus

Pauline del Rosario - December 18, 2022 - 10:52 AM

#SanaAll: Mga empleyado ng gobyerno bibigyan ng rice allowance, P20k bonus

FILE PHOTO: President Ferdinand Marcos Jr. PHOTO FROM PALACE

TALAGA namang marami ang mapapa-sana all sa mga empleyado ng gobyerno ngayong Pasko.

Paano ba naman kasi, mabibigyan sila ng “one-time rice allowance” at hindi bababa sa P20,000 na bonus.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Malacañang, kabilang sa mga makakakuha ng rice allowance ay ang mga civilian personnel ng gobyerno, kasali na riyan ang mga nasa state universities and colleges (SUCs), government-owned or controlled corporations (GOCCs), government financial institutions, government instrumentalities with corporate powers, at government corporate entities occupying regular, contractual or casual positions.

May rice assistance din ang mga Military, police, fire, at jail personnel.

Habang ang kabilang sa mga makakakuha ng P20,000 bonus o ‘yung tinatawag na “service recognition incentive” ay ang mga personnel mula sa Bureau of Corrections (BuCor), Philippine Coast Guard (PCG), at ang National Mapping and Resource Information Authority (Namria).

Bukod sa kanila, makakakuha rin ng cash bonus ang mga empleyado ng executive department.

“The President’s order authorizes the grant of a one-time service recognition incentive at a uniform rate not exceeding P20,000 for executive department personnel,” sey ng Office of the Press Secretary.

Makakatanggap din daw ng P20,000 ang civilian personnel na nagtatrabaho sa NGAs, pati na rin ang mga nasa state SUCs, GOCCs, regular, contractual, or casual employees, mga miyembro ng militar at pulis, at ang fire at jail personnel sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

May one-time SRI din ang mga empleyado a nasa Kongreso, Judiciary, Office of the Ombudsman, at Constitutional offices.

Read more:

#NamamaskoPo: Wilbert Tolentino, Herlene Budol binalikan ang Uganda, namigay ng regalo

#NamamaskoPo: QC, Manila, Makati namigay na rin ng Christmas food packs 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#NamamaskoPo: Madam Inutz may bonggang regalo sa mga nasalanta ng bagyo sa Cavite at Batangas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending